"Paola..." mayamayang dinig kong tawag sa akin ni Kyle, lumuhod sa tapat ko para pantayan ang pagkakaupo ko. "Hey, look at me. Are you feeling any pain? The baby?"Hindi ako natigil sa pag-iyak pero umiling-iling ako habang nakatingin na sa kaniya. “N-Naguguluhan ako, Kyle... Bakit nagkaganun si Raf? Hindi naman siya ganyan dati, e. Bakit parang masyado siyang obsess na ipaglaban ang kumpanya? May mga ari-arian naman siya, ang d-dami pa nga, ‘di ba? H-Hindi ko maintindihan… ikakamatay ba niya kung maagaw sa kaniya ni Andrew ang posisyon niya?”Hindi agad nakasagot si Kyle kasi napabuntong hininga muna siya. Bumuntong-hininga si Kyle. Tumayo siya at pumasok sa kusina. Pagbalik niya ay may dala ulit siyang baso ng tubig. "He lost his dāmn mind, Paola," aniya matapos kong tanggapin ang baso pero hindi ko na muna iyon ininuman. Naupo siya sa tabi ko. "Kuya has always been competitive, but this war with Andrew Valderama broke something in him. He's so obsessed with winning, with proving
최신 업데이트 : 2026-07-31 더 보기