Lumipas ang buong araw na parang nasa loob siya ng isang malabong panaginip.Lutang ang isip ni Isabella habang ginagawa ang mga tungkulin niya sa ospital. Pagod na pagod ang katawan niya, masakit ang mga kalamnan, pero mas pagod ang utak niya sa dami ng kaniyang iniisip. Gabi na, matapos ang kaniyang shift, nang tuluyan siyang makahinga nang maluwag.Niligpit niya ang mga gamit niya sa loob ng bag at mabibigat ang hakbang na lumabas ng building. Madilim na ang paligid, at tanging ang mga aandap-andap na ilaw na lang sa parking lot ang nagbibigay ng liwanag.Pagkarating niya sa tapat ng sasakyan niya, may isang anino na biglang humarang sa daan.Bago pa siya makapag-react, isang kamay ang mahigpit na humablot sa pulso niya. Paglingon niya, bumungad ang mukha ni Nicolas. Bakas ang desperasyon at panunuyo sa mga mata nito.“Isa, maghintay ka lang ng dalawang taon. Dalawang taon lang, parang awa mo na,” garalgal na makaawa ng lalaki, pilit siyang inilalapit sa kaniya. “Pangako ko, bibigy
Last Updated : 2026-07-06 Read more