Buong buhay nila, palagi silang nakasandal sa yaman ng kanilang mga pamilya. Palagi silang naglalakad nang taas-noo, kumikilos na parang mga haring mas mataas sa lahat ng tao sa paligid nila. Ngunit ngayon, sa mismong harapan ni Miguel, pakiramdam nila ay tinapakan sila at dinurog hanggang sa maging alikabok.Bago pa man makapagsalita ang tatlo para magmakaawa, dumapo ang malamig na paningin ni Miguel sa lalakeng nakaupo sa pinaka-unahan.“Was it you who hit her?” malamig at nagbabantang tanong nito.Nanigas ang lalaki. Tuluyan na itong namutla na parang nakakita ng multo. Halos mawalan na ito ng kontrol sa sarili nitong katawan at muntik nang umihi sa pantalon dahil sa sobrang takot.“I… I didn’t. It wasn’t me!” mabilis at nag-iiyak nitong tanggi, pilit na umaatras.Ngunit hindi nagbago ang blangkong ekspresyon ni Miguel. Mabibigat ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya.“Is RealEstate Group your family business?”Walang-isip na tumango ang lalaki, nagpapanik. “Yes! Yes, it is!”Sa
Last Updated : 2026-07-31 Read more