"Victoria, move aside, ako ang sisipa ng pintong ito para makalabas tayo," utos ko habang inihahanda ko ang aking buong bigat para itulak ang makapal na bakal.Sumandal ako nang buong lakas sa pinto, ang mga kalamnan sa aking braso ay naninigas dahil sa matinding pwersa, pero ang pintong ito ay parang pader na yari sa pinaka matigas na semento. Walang kahit anong galaw, ni isang maliit na kalog man lang, ang nangyari. Ang pinto ay idinisenyo para sa industrial storage, masyadong makapal at pulido ang pagkakagawa para sa aking lakas. Napamura ako nang mahina habang hinihingal na humiwalay sa pinto, ang aking mga kamay ay ramdam ang hapdi dahil sa lakas ng pagkakabangga ko rito."Wala na, Matteo, tanggapin na nating stuck tayo dito hanggang sa mapansin tayo ni Senior Juan," sagot ni Victoria mula sa sulok ng silid, ang boses niya ay mahina at tila may kakaibang tono na hindi ko pa naririnig dati.Ang pantry ay lubos na madilim dahil ang tanging liwanag na nanggagaling sa v
آخر تحديث : 2026-07-11 اقرأ المزيد