l"Charles, huwag kang yuyuko, tumingin ka diretso sa mata ng kalaban mo at iangat mo ang mga kamao mo nang mataas."Nasa loob kami ng parking lot ng prestihiyosong St. Jude Academy at ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Nakita ko ang isang bata, anak ng isa sa mga business rival ni Matteo, na sinadya pang itulak si Charles habang pababa kami ng sasakyan. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Hinila ko si Charles palapit sa akin at kinuha ko ang kaniyang maliliit na kamay para ituro kung paano ang tamang guard position."Mama, natatakot ako, ang lalaki nila," bulong ng bata habang nakatingin siya sa kumpol ng mga batang mayayamang nakapaligid sa amin.Hinarap ko siya nang maigi, tinitigan ko siya nang direkta. "Charles, Zubiri ka. Hindi ka natatakot sa mga taong akala mo ay pagmamay ari ang mundo dahil lang sa yaman nila. Ngayon, ituro mo sa kanila ang tamang left hook, gawin mo nang mabilis at diretso."Nagulat ang mga batang nakapaligid nang makita nil
آخر تحديث : 2026-07-14 اقرأ المزيد