FIONA ANGELYN PEREZ POVParang ice candy na nanigas ang buong katawan ko habang nakatitig sa bawat hakbang ni Miles palapit sa amin. Ang kanyang itim na trench coat ay bahagyang humahampas sa hangin, at ang kanyang mukha ay may bakas ng jet lag mula sa biyahe pero mas nangingibabaw ang isang pamilyar at nakakatakot na bagsik. Kung kanina ay sinasabi ni Brix na may problema ang kumpanya niya sa Japan, mukhang tama siya. At kung titingnan ang mukha ng amo ko ngayon, handa na siyang pumatay ng tao gamit lang ang kanyang tingin."Sir Miles" bulong ko, habang awtomatikong napahawak sa suot kong apron. Ang kaba sa dibdib ko ay parang tambol na mabilis na pinapalo.Hindi ako tinignan ni Miles. Ang kanyang mga mata, na parang dalawang nagbabagang uling, ay nakapako lang kay Brix. Huminto siya sa gitna naming dalawa, at ramdam ko ang matinding tensyon, parang may kuryenteng dumadaloy sa hangin."Hindi ko alam na naging tambayan na pala ng mga talunan ang labas ng gate ko," ang lamig ng boses n
최신 업데이트 : 2026-07-12 더 보기