Sarina YsabelleHindi ko alam kung paano ako nagising ng normal kinaumagahan, na parang walang nangyari, gaya ng walang heads up man lang na dumating sa akin kahapon at walang mga taong pinag-uusapan kung paano sisirain ang buhay ko at ng anak ko. Pero ganoon ang buhay ng isang ina. Kahit gaano pa kabigat ang dinadala mo, may batang naghihintay pa rin na ihanda mo ng almusal, na hahatid mo sa school, na bibigyan mo ng pakiramdam na normal ang lahat kahit hindi. "Mommy, let's go na po!" tawag ni Theo mula sa hagdanan, uniporme na naka-ayos, bag nakasabit sa balikat. "I'm going to be late na." "Sige, baby, andiyan na ako," sagot ko, pinilit ipakita ang ngiti kahit gaano pa ako kapagod sa loob. Habang nasa sasakyan kami papunta sa school, tahimik lang si Theo, hawak-hawak ang notebook niya sa lap niya, halatang may iniisip. Alam kong hindi normal ang katahimikan niya, dahil kahit kailan, may kwento siyang sasabihin tungkol sa mga superhero o tungkol sa mga bagong plano niya. "Baby, a
Last Updated : 2026-07-08 Read more