登入Theo YsmaelOne night before Mommy and Daddy's wedding, I was tired because of the preparation. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ngayon.I was lying on my bed, at nakatingin sa kisame, at iniisip na ang mangyayari bukas. Iniisip ko rin ang lahat ng mga nangyari na, simula nung una kong makita si Daddy sa boardroom hanggang ngayon, at ilang buwan lang ang nakalipas, isang gabi na lang ang aantayin ko, at magiging buo na ulit kami.May kaba akong nararamdaman, hindi lang para sa aking speech, kundi para sa isang bagay na mas malalim, isang bagay na hindi ko masyadong maintindihan kung bakit hindi pa rin nawawala kahit alam kong dapat masaya lang ako.Bumangon ako mula sa kama ko, at dahan-dahang lumabas ng kwarto, naglakad papunta sa kwarto ni Daddy, dahil bukod kay mommy, siya na rin ang taong pinupuntahan ko kapag may problema ako.Nang lumapit ako sa pinto ng kaniyang kwarto, nakita ko na bukas pa ang ilaw sa loob, kaya't dahan-dahan kong kinatok ito."Theo?" tanong
Sarina YsabelleIsang linggo na lang bago ang kasal namin, dumating ang araw ng rehearsal namin, ginanap sa parehong venue na pipiliin namin para sa actual na ceremony, isang magandang garden venue sa labas ng Maynila, may malawak na damuhan at mga puno na naghahatid ng natural na anino.Dumating kami nang maaga, kasama ang buong entourage, mga ninong at ninang, sina Yara at Mikka bilang maid of honor, si Mang Bert na pumayag maging isa sa mga groomsmen ni Leon, at siyempre, si Theo, na dala-dala ang kaniyang notebook, puno na ngayon ng mga tala tungkol sa kaniyang mga goals and responsibilities."Sige, everyone," sabi ng wedding coordinator, isang babaeng nagpakilalang si Ms. Grace, let's start sa pag-practice ng buong flow ng ceremony."Habang ipinapaliwanag ni Ms. Grace ang order ng entourage, mula sa mga ninong at ninang hanggang sa flower girl at ring bearer, napansin kong si Theo ay nakikinig nang mabuti, kumukuha ng tala sa kaniyang notebook, tila hindi gustong makaligtaan ang
Sarina YsabelleNapansin ko ang isang pangalan sa listing na hindi galing kay Theo, may ibang sulat-kamay, mas malaki at mas pormal. "Theo, sinong nagdagdag nito?""Ah, si Tita Yara po," sabi ni Theo, hindi masyadong pinapansin ang tanong ko. "Sabi niya po, dapat daw isama natin ang ilan sa mga friends niya sa negosyo, para raw po mas maganda ang optics ng kasal."Napatawa ako, alam kong hindi bagay sa isang bata ang salitang "optics," malinaw na nakita niya ‘yon mula kay Yara. "Sige, baby, tatanungin ko na lang si Yara mismo tungkol d'yan mamaya."Bago pa man ako makapagtanong pa, biglang nagbago ang tono ni Theo, mula sa negosyo tungo sa isang bagay na mas seryoso sa kaniyang pananaw."Mommy, Daddy," sabi niya, umupo sa aming harapan, mukha buong tiyaga. "May gusto akong gawin bago ang kasal niyo po.""Ano ‘yon, baby?" tanong ni Leon."Gusto ko po kayong bigyan ng bachelor party at bachelorette party," sabi ni Theo, buong tiwala. "Pero, kids' version. Ako na po ang bahala sa lahat."
Sarina YsabelleKinaumagahan, bago pa man ako bumaba mula sa aming kwarto, napansin ko na wala na sa table ng kirchen ang "Wedding Promises Contract" ni Theo. Medyo nag-alala ako, iniisip kong baka natapon lang ‘yon nang hindi sinasadya, kaya hinanap ko ito sa buong bahay.Nakita ko ito sa wakas sa kwarto ni Theo, hindi nakatiwangwang lamang sa kaniyang mesa, kundi maingat na inilagay sa loob ng isang malinaw na plastic frame, nakasabit sa dingding malapit sa kaniyang kama, katabi ng litrato namin noong birthday party niya kung saan unang beses na nakita ni Leon si Theo bilang kaniyang anak."Theo," tawag ko, habang siya ay naghahanda para sa araw. "Bakit mo ito nilagay dito, baby?"Napatingin si Theo sa kinasasabitan ng kontrata, ngumiti nang bahagya. "Gusto ko po kasing makita ito tuwing gigising ako, mommy. Para maalala ko po palagi na kahit ano pang mangyari, may pangako kayo na mananatili kayong magkasama."Napaupo ako sa gilid ng kaniyang kama, hinawakan ang kaniyang kamay. "Bab
Sarina YsabelleIlang araw matapos ang dress fitting namin̈, habang naghahanda kami ng hapunan isang gabi, dumating si Theo sa kusina, mukha halatang seryoso, hawak-hawak ang isang malaking clipboard na hindi ko pa nakikita noon."Mommy, Daddy," sabi niya, umupo sa mesa, tila isang abogadong handang magbasa ng kontrata. "May kailangan po kayong pirmahan."Napatingin ako kay Leon, na kasalukuyang nagluluto, at pareho kaming natatawa sa kaseryosohan ng aming anak."Ano ‘yan, Theo?" tanong ni Leon, umupo sa harap niya.Iniabot ni Theo ang clipboard, at doon namin nakita, isang buong papel, may titulong "OFFICIAL WEDDING RULES CONTRACT" na malaking-malaki ang letra, sinundan ng ilang mga patakaran na sinulat niya gamit ang kaniyang sariling sulat-kamay."Rule number one," basa ni Theo nang malakas, hindi hinintay na basahin muna namin ito nang tahimik. "Dapat pong lagi kayong magkasama sa bawat school event ko.""Approved," sabi ko, natatawa, pinirmahan ang tabi ng unang patakaran."Rule
Sarina YsabelleNapagpasyahan naming huwag muna pag-usapan ang tungkol sa hindi kilalang guest hangga't hindi pa namin ito nasusuri nang mabuti. Sinabi ni Atty. Reyes na susuriin muna nila ang letter bago namin ito personal na haharapin, at para hindi maapektuhan ang mood ng mga susunod na araw ng paghahanda, pinili naming ituon muna ang aming pansin sa mas magaan at masayang bagay, ang pagpili ng wedding dress ko.Kaya naman during the afternoon of a sunny Saturday, pumunta kami ni Mikka at Yara sa isang bridal shop sa Makati, famous kasi ang botique sa magagandang designs ng gowns, at maraming nagpupunta rito, kahit mga artista pa, and besides, nandon na rin ang consultant para matulungan akong pumili."Gosh, ate Sari! I'm so excited na," sabi ni Yara, bago umupo sa sofa ng fitting room habang naghihintay. "I haven't had the chance kasi na makita ‘yung first gown fitting mo nung first wedding mo.""Oo nga, Ma'am," dagdag ni Mikka bago kinuha ng phone niya para maghanda sa pagkuha ng







