MATAPOS siyang tulungan ng kanyang dalawang kuya sa pagbaba ng kanyang mga gamit, ay nagpaalam na rin ang mga ito sa kanya.Labag man sa kalooban ng dalawa niyang kapatid ang gagawin niyang pagbabalik sa piling ni Harrison ay wala rin itong mga nagawa, lalo na at nasa panig niya ang ama at ina.Hindi siya pinipigilan o ginagatungan ng mga ito, bagkus hinahayaan lang siyang magdesisyon para sa sarili, at nangangakong anuman ang mangyari, ay naririyan lang mga ito sa kanyang likod, handa siyang suportahan.“Paano ‘yan, iiwan ka na namin dito? Mag-iingat ka palagi, huwag mong kakalimutang dumalaw sa mansyon, ha? At kung uuwi ka man, magsabi ka lang at susunduin ka namin,” ani Kieran.“Oo, kuya.”“At kapag inulit ng asawa mo ang ginawa niya sa ‘yo noon ay huwag kang magdadalawang isip na umalis dito at bumalik sa atin. At syempre, tatamaan na talaga sa’kin iyan!” anito at itinaas pa ang manggas ng suot na t-shirt.“Kuya Kristoff, bumalik ako rito para kay tito Henry, hindi para maging asa
Last Updated : 2026-11-22 Read more