Third-Person POVAng dambuhalang dining hall ng Salvador Mansion ay napapalamutian ng mamahaling kristal na chandelier, mga sariwang bulaklak, at dalawang mahabang mesa na gawa sa solid mahogany. Nakahain doon ang limang-course dinner meal na personal na inihanda ng mga executive chef ng pamilya Salvador—mula sa prime ribeye steaks, grilled lobsters, hanggang sa mga mamahaling French side dishes at wines.Nakaupo sa kabisera si Daddy Robert, habang sa kaniyang kanan si Mommy Amie. Sa kabilang panig ng mesa ay nakaupo ang mag-asawang sina Caleb at Azalea, samantalang magkatabi namang nakaupo sina Conrad at Jane."Jane, my dear, please eat more!" masayang alok ni Mommy Amie habang itinuturo ang plato ng lobster. " Sabi sa akin ni Azalea, medyo puyat at napagod ka raw sa biyahe niyo mula Palawan. You need to gain more energy!""Maraming salamat po, Mommy Amie," nakangiting sagot ni Jane. "Napakasarap po ng mga pagkain.""Naku, Jane! Sanayin mo na ang sarili mo sa mansion," hirit ni Azale
Last Updated : 2026-10-07 Read more