“Mister, wala ka bang balak bumangon at kumain? Kasi ako, oo. Gutom na ako,” reklamo niya.Umangat ang tawa ko nang kusa mula sa aking dibdib.“Hahahaha, right, right, let’s go,” sagot ko, sabay bitaw sa kanya. Dahan-dahan akong umupo at hinagod ang buhok ko paatras.Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin.Kahit hindi ko siya tingnan nang diretso, alam kong nakatitig siya sa akin. ’Yung tinging parang nagpoproseso ng mga bagay-bagay. ’Yung tipong mararamdaman mo ang init sa iyong batok.“Ano? Akala ko ba nagugutom ka na?” lingon ko sa kanya, may ngiti sa aking mga labi.“Babangon na nga,” nakasimangot niyang sagot.Parang bata. Napangiti ako sa loob-loob ko.Pero bago pa man siya tuluyang makatayo mula sa kama, bigla siyang nawalan ng balanse.“Ah!”Automatic na gumalaw ang katawan ko. Hindi na nagpaalam sa utak ko. Mabilis ko siyang hinuli bago pa man siya tuluyang tumama sa matigas na sahig.“Careful,” sabi ko, mas mahina at mas malambing na ngayon ang boses ko.Binuksan niya a
Última actualización : 2026-10-15 Leer más