Lucas Ian Anderson (Lucien)Mapaglaro ang mga ngisi nina Kiro at Gavin, habang si Victor naman ay nanatiling maawtoridad at tahimik sa kanyang kinaroroonan. Bawat isa sa amin ay may bitbit na sariling kadiliman, pero sa gitna ng ganitong mga biro at palitan ng tingin, kahit paano ay nababawasan ang sikip sa aking dibdib.Inilagay ko ang kristal na pass sa loob ng aking bulsa at muling sumulyap sa pinto ng silid kung saan nagpapahinga si Ysabelle.“Legality has never been our metric, anyway,” malamig kong sabi habang iniaayos ang kwelyo ng aking damit. “Ang mahalaga, manatiling maayos ang lahat hanggang sa magising siya.”Nagkatinginan si Gavin at Kiro, bago sabay na napatingin sa pinto ng kwarto ni Ysabelle.“Huwag kang mag-alala, Lucien,” seryosong giit ni Gavin, nawala ang bahagyang tawa sa kanyang boses. “Nakalockdown ang buong floor na ito. Walang makakalapit sa kanya na hindi dumadaan sa aming tatlo.”“At tungkol naman sa Floresta do Santuario…” singit ni Kiro, habang ibinubulsa
Last Updated : 2026-10-14 Read more