Ysabelle Cuevas (Ysa)May dalawang klase ng gising.Una—’yung gising na nagmamadali ka at nanginginig ang buong katawan kasi baka may magalit, magmura, o manakit.Pangalawa—’yung gising na dahan-dahan, banayad, kasi ramdam mong may malawak na espasyo sa paligid mo para huminga.Sa probinsya noon, sanay na sanay ako sa una. ’Yung tipong bago pa man tumilaok ang manok sa madaling-araw, gising at nakatayo na ako para mag-igib ng mabibigat na balde ng tubig, magwalis ng bakuran, magluto, at maghanda ng mga bagay na kailanman ay hindi naman ako ang kakain o makikinabang.Dito sa Floresta do Santuario… ibang-iba ang klase.Hindi ako ginising ng boses na nagsisisigaw. Hindi ako ginising ng utos na may kasamang banta.Ang mismong gumising sa akin ay ang banayad ngunit marahas na tunog ng dambuhalang talon sa malayo—ragasa, bagsak, ragasa ulit—na para bang heartbeat at tibok ng puso ng mahiwagang lugar na ito. At ang sikat ng araw na dahan-dahang dumadaan sa pagitan ng makapal na kurtina, ma
최신 업데이트 : 2026-10-15 더 보기