Ysabel Trinidad’s point of view "Huwag mo na lang silang pansinin, Ysabel." Mahina ang boses ni Amaris, pero halata ang inis na pilit niyang pinipigilan. Habang nagsasalita siya, masama ang tingin niya sa grupo ng mga katulong na ilang araw nang walang ginawa kundi pagtulungan ako. May mga pabulong na pang-iinsulto, may mga mapanghusgang tingin, at kung minsan ay sinasadya pa nilang iparamdam na hindi ako kabilang sa mansyong ito. "Inggit lang 'yang mga 'yan kasi obvious naman na pinapaboran ka ni Señorito." Napairap siya at napapamewang pa. "Isusumbong ko talaga sila isa-isa kay Señorito. Tingnan lang natin kung hindi sila tumahimik." Napailing lang ako at marahan kong hinawakan ang braso niya para pakalmahin siya. "Huwag ka nang magalit, Amaris. At huwag ka na ring magsumbong." Bahagya akong napangiti kahit alam kong hindi maganda ang sitwasyon. "Gusto mo bang lalo pa silang magalit sa atin?" Napabuntong-hininga siya bago tuluyang napailing. "Hay... nakakainis l
Last Updated : 2026-07-15 Read more