Ysabel’s point of viewHindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat, ang biglaang pagdating ni Mercedes o ang paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang hindi niya ako unang beses na nakikita.Nanatili siyang nakatayo sa labas ng estate habang dahan dahang isinara ng driver ang pinto ng sasakyan. Simple lamang ang suot niya, isang cream blouse at mahabang palda, pero hindi iyon ang napansin ko. Ang una kong nakita ay ang mukha niya.May pagkakahawig.Hindi ko man maipaliwanag kung saan, pero may mga mata siyang parang pamilyar sa akin.“Mercedes,” tawag ni Maximo.Bahagya siyang tumingin sa kanya.“Maximo.”Walang gulat sa boses niya.Parang normal lang sa kanya na makita kaming dalawa roon.Lumapit siya sa entrance, pero bago pa siya makapasok, hinarangan siya ng isang security personnel.“Ma'am, we need to check—”“Let her in,” utos ni Maximo.Napatingin ako sa kanya.“Sigurado ka?”“Yes.”Pumasok si Mercedes at agad na napunta ang tingin sa akin.“Ysabel.”Iyon lang ang sinabi niy
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-29 Mehr lesen