Ysabel’s point of viewHindi ko alam kung bakit parang may nagbago sa mansion kinabukasan.Hindi naman naging mas maingay ang mga tao. Sa totoo lang, mas tahimik pa nga kaysa dati. Pero may kakaiba sa paraan ng pagtingin nila sa akin.Every time na napapadaan ako sa hallway, may mga matang sumusunod.Kapag may dalawang maid na nag uusap, bigla silang tumatahimik kapag malapit na ako.At nang dumaan ako sa kitchen kaninang umaga, napansin kong agad na ibinaba ni Leonor ang hawak niyang tasa.“Bakit?” tanong ko.“Wala.”“Sure?”Tumango siya, pero halatang may gustong sabihin.Lumapit ako sa kanya.“May nangyayari ba?”Nagkatinginan sila ni Amaris.“Wala naman,” sagot ni Amaris.“Amaris.”“Ysabel, baka nag ooverthink ka lang.”“Hindi.”Mabilis kong napansin ang pag iwas niya ng tingin.May tinatago sila.At mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Carlotta mula sa may pintuan.“Ysabel.”Napalingon ako.“Senyorita Carlotta?”“Pumunta ka sa study.”“Bakit po?”“May kailangan k
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-28 Mehr lesen