Sandara Point of view Maaga akong nagising,dahil may pupuntahan daw kami ni Rex.Hindi ko alam kung saan.Basta ang sabe niya kagabi bago ako natulog,isasama niya ako sa kanyang pupuntahan. Pumayag na lang ako dahil gusto ko rin malaman ang kagandahan ng lugar na ito.Gusto kong mag tour at magrelax.Lalo na ang aliwin sa ibang bagay aking sarili sa nangyari buhay ko dati.Gusto kong palitan ng masasayang alaala ang masakit kong nakaraan.Marami din akong dapat na matutunan—tulad ng pananalita nila para naman hindi ako magmukhang walang alam kapag nag-uusap sila.Paano kong pinagchi-chismisan nila ako. Sa isang lingo kong pananatili sa lugar na ito, nalaman kong mababait naman ang mga tao rito,lalo na sa nasasakupan ni Rex.Naramdaman ko ang isang magaan na pakiramdam habang kausap ko sila,tulad ni Rex.Agad napalagay ang loob ko sa kanya kahit noong unang beses kaming nagkakilala ng aksidente.Kaya lang hindi ko maintindihan ang mga sinasabe nila.Kahit anong pilit kong intindihin,wala ta
最終更新日 : 2026-07-31 続きを読む