Sandara Point of view Ito iyong araw na sasamahan ako ni Rex magpa-check sa isang private doctor.Hawak niya ang isa kong kamay, habang naglalakad kami sa pinaka hallway ng hospital. Tahimik lang kami habang papunta sa clinic. Tatlong buwan na ang tiyan ko, pero wala pa kaming checkup na mag-ina. Hindi ko rin alam kong bakit ngayon ko lang napagdesisyon na magpatingin—dahil siguro ay kailangan na,para sa aking anak. “Sandara, okay ka lang?” tanong ni Rex sa akin. “Oo. Medyo kinakabahan lang ako.”tugon ko naman. “Normal lang 'yan. First checkup mo kasi.”wika niya sa akin, bahagya pa niyang pinisil ang kamay kong hawak niya. Habang naglalakad kami, napatingin ako sa mga taong dumadaan sa hallway. May mga nurse, doktor at ilang pasyenteng naghihintay sa labas ng mga clinic. Maya-maya, nakarating na kami sa clinic ng doktor. “Dito na."wika ni Rex sa akin. Tumango ako bago kami sabay na pumasok sa loob. Ilang minuto lang kaming naghintay bago tinawag ang pangalan ko.
Last Updated : 2026-08-15 Read more