Kabanata 23 Pag-uwi namin ni Rex ng Capatan, tila nagbago ang lahat.Ngunit ang pinaka-kakaibang pakiramdam,kung paano maging maalaga at maingat si Rex, parang dumoble pa ang pag-aalaga niya sa akin at pag-iingat. Isang hapon, nasa bakuran ako habang nagdidilig ng mga halaman. Lumapit siya at kinuha ang timba mula sa kamay ko. “Ako na,honey.” sabi niya nang hindi tumitingin, pero alam kong nakangiti siya. “Pagod kana,Rex. Ako na lang.” sabi ko, pero hindi niya ibinigay pabalik ang timba. “Mas pagod ako kapag nakikita kitang nagtatrabaho nang mag-isa."sagot niya. Tumabi ako sa kanya habang nagdidilig siya. Pinanood ko ang bawat kilos niya—puno ng pag-iingat, may lambing, parang mga halaman din ang inaalagaan niya nang buong puso. “Rex,” tawag ko sa kanya nang mahina. “Hm?” “Salamat. Sa lahat-lahat.” sambit ko. Tumigil siya at lumingon sa akin. Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil ito. “Huwag kang magpasalamat, Sandara.Pinapatunayan ko lang ang pagmamaha
Last Updated : 2026-09-11 Read more