Kabanata 33 Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa mahinang iyak ng anak namin. Agad akong bumangon upang tingnan siya sa kanyang kuna, ngunit naunahan ako ni Rex na kagigising lamang din. “Ako na, honey. Matulog ka pa,” sabi niya habang maingat na kinukuha ang aming baby. Ngumiti ako sa kanya. “Rex, hindi naman ako baldado. Kaya ko nang alagaan ang anak natin.” “Alam ko naman. Pero gusto kong tulungan ka. Kailangan mo ring magpahinga.” Napailing ako habang pinagmamasdan siyang karga ang aming anak. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko siyang ganoon. Ang dating lalaking seryoso at abala sa negosyo ay natutong magpalit ng lampin, maghele ng sanggol at mag-alala sa bawat munting iyak nito." Alam mo, mas mukha ka nang tatay kaysa negosyante,” natatawa kong komento. Napatingin siya sa akin. “At ano naman ang problema roon?” “Wala naman. Ang cute mo lang tingnan.” Ngumisi siya. “Talaga? Ibig sabihin, mas lalo mo akong mamahalin?” “Napakayabang mo talaga!” Tu
Last Updated : 2026-11-04 Read more