Pinagtagpo ng Tadhana(Rex and Sandara love story)

Pinagtagpo ng Tadhana(Rex and Sandara love story)

last updateLast Updated : 2026-08-13
By:  IlocanaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
10Chapters
225views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa pekeng larawan,pumayag sa hiwalayan si Sandara sa kanyang asawa'ng si Caleb Cruz.At lahat ng iyon ay kagagawan ng ina at kababata ng asawa. Hindi niya akalain—sa tatlong taon nilang pagsasama,sa isang larawan,paninira ng ina at kababata ng asawa—lahat ng iyon ay nasayang.Ngunit wala siyang pagsisisi sa kanyang naging desisyon.Hindi rin nito sinabe ang tungkol sa dinadala dahil alam niyang hindi rin siya paniniwalaan ng asawa. At sa kanyang pag-alis,nakilala naman niya si Rex Santillan.Nakasabay nito sa mismong sinakyan niya at nakatabi pa sa upuan. Parang tadhana ang naglapit sa kanilang dalawa,dahil matapos ang isang aksidenteng paglalapat ng kanilang labi,doon nagsimula ang lahat.Naging malapit sila sa isa't-isa at nagtiwala. Naging maayos ang pagsasama nila sa iisang bubong,nanligaw si Rex kay Sandara,tinanggap ang pinagbubuntis nito, inaalagaan at pinapasaya araw-araw. Ngunit sabe nga nila.Kapag masaya na kayo,doon lamang magkakaroon ng malaking problema. Nagkaroon ng Reunion ang Pamilya Santillan at Cruz.Kaya hindi niya inaasahan na muling maglalandas ang tagpo ng dating mag-asawa.At napag alamanan din niyang pinsan pala ni Rex ang dating asawa. Lumuhod at nagmakaawa si Caleb kay Sandara na magkabalikan na sila.Ngunit hindi pumayag si Sandara. Nang malaman ni Caleb na may anak si Sandara at tugma ang taon at buwan ng bata—ginamit niya iyon upang mapapayag na makipag balikan sa kanya. Ano ang gagawin ni Sandara? At paano siya tutulungan ni Rex?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

First Point of view

Nanginginig ang dalawang kamay ko habang hawak ang pregnancy test na pinatakan ko ng ihi at kasalukuyan kong hinihintay ang resulta nito.

Ang dibdib ko,ang bilis ng tibok.Hindi lang mabilis,kundi sobrang bilis.Siguro dahil sa excitement kong ano ang magiging resulta.

Sa tatlong taon naming pagsasama ng asawa ko'ng si Caleb,dapat meron na kaming anak na inaalagaan.Wala naman akong masabe sa pagmamahal ng asawa ko sa akin dahil pinapahalagahan niya ako at pinapasaya.Maliban sa ina nitong hindi ako tanggap mula sa simula dahil mahirap lang ako.Mataas kasi ang estado ng buhay nila—sila ang pumapangalawa sa pinakamayaman sa buong syudad ng Maynila.May nagtataasang building at mga grocery store.Bukod doon,may negosyo pa sila sa labas ng bansa at isa ding Senator ng bansa si Caleb.Kaya ganun na lang pagka-disgusto sa akin ng biyanan kong babae.Ngunit ang biyanan kong lalaki—mabait siya sa akin at wala akong masabe sa pakikitungo niya sa akin.

Totoong mahirap lang kami,pero ipinagmamalaki kong nakapag tapos ako ng pag-aaral at isa na sana akong English teacher sa private school kong tinanggap ko ang alok ng private school rito sa Maynila.Pero inuna ko ang puso ko dahil mahal ko ang asawa ko.

Mangingisda ang ama ko at tindera naman sa palengke ang ina ko.At dahil sa isdang tinitinda ko—nang pamilya ko,nagkakilala kami ni Caleb.Niligawan niya ako at pinakasalan.Pagkatapos ng kasal namin sa probinsya,inuwi naman niya ako rito sa mansion nila.

Ngunit sa unang araw ko pa lang, agad akong pinahirapan ng biyanan kong babae at pinaparamdam na hindi niya ako tanggap bilang manugang at asawa ng anak niya.Minsan, minumura pa niya ako kahit sa maliit na pagkakamali.

Lately, nakakaramdam ako ng hilo sa tuwing umaga.Hindi ko alam kong ito ba ay epekto ng gabi-gabi kong pagpupuyat sa pag-aasikaso sa biyanan kong babae o may iba pa.Kapag alam niyang tulog ang asawa ko, ginigising at pinapababa niya ako para lang ipaghanda siya ng midnight snacK.At alauna na nang madaling araw na ako matulog at gigising naman ng alas singko ng umaga dahil kailangan kong asikasuhin ang mahal kong asawa na papasok sa trabaho.

Minsan, naabutan ni daddy leo—ang ama ni Caleb ang ganung tagpo,sinuway niya ang asawa.Ngunit mas lalong lumala ang ugali ng biyanan kong babae,talagang pinahirapan niya ako ng husto.Ang dapat na trabaho ng mga maids nila ay sa akin niya pinapagawa.Pinaglilinis niya ako sa silid nila ni daddy Leo at pinaglalaba din ng mga mabibigat na kurtina.

At sa oras naman ng pahinga,ako ang inuutusang mamalengke kahit may nakatuka naman sa trabahong iyon.Alam ko naman na sinasadya niya akong pahirapan,pero hindi ako nagreklamo.Sanay rin naman ako sa mahihirap at mabibigat na trabaho.At saka, kaya ko namang tiisin lahat ng pagpapahirap ng ina ni Caleb dahil sa pagmamahal ko sa asawa ko.Kaya kahit minsan,hindi ko naisip na magsumbong sa kanya dahil alam kong magbabago din ang ugali ng biyanan kong babae at tatanggapin din ako sa huli.

Napagdesisyunan kong gumamit ng Pregnancy test dahil biglang sumama ang pang-amoy ko at lahat ng kinain ko kaninang umaga ay nilabas ko.Ngunit sumagi din sa isip ko,na baka epekto lang ito ng gabi-gabi kong pagpupuyat.Pero wala namang masama kong susubukan kong gumamit ng Pregnancy test baka may laman na.

Inalog ko ito ng mahina at tinaas habang sa isip ko—sana positive ang result.Kung sakaling matupad aking hiling,ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo.Sana nga ay positive ang resulta dahil handa na akong maging ina.

Handa na kaming bumuo ng sarili naming pamilya.Pamilyang matatawag.

Unti-unti kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test kit at nakita ko ang dalawang pulang linya.Pumikit ako at muling nagmulat baka namalikmata lang ako sa aking nakita.Ngunit tunay nga.May dalawang pulang linya ang nandon.Malinaw na malinaw.

Nanlalaki aking mga mata at natutop ko aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikitang resulta.May pumatak pang butil ng luha sa aking pisngi.

"oh my god!oh my god!Totoo ba talaga ito?Hindi ba ako nananaginip lang?"sambit ko at parang nasisilihan ang pang-upo ko dahil hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.

Ang saya ko.Sobrang saya ng puso ko.Sa wakas, magiging ina na ako.May matatawag na kaming sarili naming pamilya.Gusto kong tumalon dahil sa sobrang kaligayan, ngunit may dapat akong ingatan.May anghel na sa aking sinapupunan.

Ang magandang balitang ito,agad kong ipapaalam sa aking asawa pagdating na pagdating niya.Sa wakas nagbunga na ang panalangin ko at pagod namin gabi-gabi.

"thank you Lord!thank you for the wonderful gift you gave."naiiyak kong sambit,hinawakan ko ang pipis kong tiyan na wala pang umbok.Pero may tumitibok na nang mahina.

"mamahalin ka ni mama,baby.Aalagaan ka namin ni daddy."bulong ko habang hinihimas ko ang tiyan ko kasabay ng pagtulo ng aking luha.Luha ng kagalakan.

"Sandara,pinapatawag ka ni donya sa baba."katok mula sa labas ng p***o.Nag-angat ako ng tingin at pinunas ang tumulong luha ko sa aking pisngi.

"sige po.Bababa na!"

"dalian mo lang ha."sabi nito at mga yabag na papalayo ang sumunod.

"anak,magtitiis muna tayo ha.Hindi pa kasi ako tanggap ng lola mo.Pero balang araw, magiging maayos din ang lahat.Magtiwala ka lang anak."bulong ko at hinaplos kong muli ang pipis kong tiyan.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at binulsa ang nagpapatunay na may anghel na sa aking sinapupunan,na dapat kong pag-ingatan.

Lumabas ako ng silid namin ng asawa ko at pinuntahan ang biyanan ko.Hindi na ako magtataka kong may ipapagawa na naman ito sa akin kahit katatapos ko lang maglinis sa banyo nila at wala pang akin.Nagugutom na nga rin ako lalo't isinuka ko lahat ang kinain ko kaninang umaga.Mabuti may lakas pa ako para gawin ang ipinapagawa sa akin ng biyanan ko.Dahil iyon siguro sa baby ko.Pinapalakas niya ako.

Ngunit sa hagdan pa lang,may naririnig akong dalawang boses.Pamilyar ang isa, habang ang isa naman ay stranger.Tumatawa ang mga ito.Mukhang masaya.

At nang tuluyan akong makababa,isang pigura naman ng babae ang nakita kong katabi ng biyanan ko at mukhang close na close sila.

Humakbang ako palapit sa kanila at pumwesto sa harapan nila,kaya doon ko nakita ang mukha ng babaeng katabi ng biyanan ko.

Hindi ko kilala ang babae.Maganda siya,pang model ang katawan at mukhang anak mayaman.Pero parang masungit dahil pinagtaasan agad niya ako ng kilay.Mukhang maldita.

"tita,siya ba ang walang kwentang asawa ni Caleb?"tanong nito na may nakakainsultong tingin.Napakuyom ang kamao ko.Matabil din pala ang bunganga ng babaing ito akala ko maldita lang.

Hinawakan ng biyanan kong babae ang kamay ng babae at ngumiti sa kanya saka siya tumingin din sa akin ng mapanuri.At ang ngiti niya kanina ay nawala ng tumingin sa akin.

"yes hija.Pero hindi siya karapat-dapat."madiin niyang sabi na may matalim na tingin sa akin.At ngumiti na ito nang balingan nito ng tingin ang katabi niyang babae.

Napayuko ako.Nauunawaan ko ang titig na iyon ng biyanan ko.Pero hindi naman sana dapat sa harap mismo ng ibang tao niya ako dapat ipahiya.

Tumawa ng malakas ang babae at may kinuha ito sa loob ng mamahalin niyang bag.

"so,siya nga ang nasa larawan na ito tita."maarteng sabi nito at binigay sa biyanan ko ang larawan habang sa akin pa rin ang tingin ng babae at may mapang-asar na ngiti sa labi.

Napakunot naman ang noo ko."Ano kaya ang tinutukoy niya?—sa isip ko.

Nakita ko kong paano mag-isang linya ang kilay ng biyanan ko matapos niyang makita ang larawan na binigay sa kanya ng babae—halos mapunit na ito sa sobrang higpit ng pagkakawak nito.

Tumingin siya ulit sa akin na puno nang galit ang mga mata niya.Bigla naman akong kinabahan dahil ngayon ko lang nakita ang galit ng biyanan ko.Dati kahit pinapahirapan niya ako,hindi siya nagalit ng ganito.Hindi niya ako tiningnan ng ganito.

Biglang tumayo ang biyanan ko at dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang nanlilisik ang mga mata.At ako naman ay napapahakbang ng paatras.Totoong galit talaga siya.Wala na akong maatrasan—dahil sa likod ko ay babasaging lamesa na.

Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.Tumabingi ang mukha ko.Akala ko isang beses lang,pero sinampal naman niya ako sa kabila.Ngayon ramdam na ramdam ko ang hapdi sa magkabila kong pisngi.Hindi ko alam kong ano ang ikinagagalit niya.Ngunit mas nagulat ako sa mga lumabas sa bibig ng biyanan ko.

"HAMPAS LUPA!PUTA!Malandi.NAKAKASUKA"nanggagalaiti niyang sabi.Itinuro-turo pa ako habang nagngingitngit ang ngipin.

"hi-hindi ko po kayo maintindihan!"halos naiiyak ko ng tanong.Ngunit isang sampal muli sa mukha ko ang natanggap ko mula sa biyanan ko,muntik pa akong mapaupo sa sahig kong wala lang ang lamesa sa likuran ko,baka napahamak na ang baby ko sa sinapupunan ko.

Napahawak ako sa aking sinapupunan at hindi ininda ang hapdi ng magkabila kong pisngi.

"Ang kapal ng mukha mong magtanong?Napaka landi mo!Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa puke mo habang nagsasama pa kayo ng anak ko?"galit niyang sigaw sa akin.

"disgusting!!bulong ng babae.Umiling-iling.

Umiling ako habang umaagos ang luha ko sa mukha ko.

"ma!—

"huwag mo akong tawaging ma!Kailanman,hindi kita tinanggap bilang asawa ng anak ko.Nakakasuklam ka."sigaw ng ina ni Caleb sa akin.

"wala po akong alam sa mga binibintang niyo."Garagal kong sabe.

Tumayo ang babae at lumapit sa ina ni Caleb.Humawak pa ito sa braso niya.

"talaga!Hindi mo alam kong bakit galit na galit sayo si tita?eh ano ang ibig sabihin nito?"Ipinakita niya sa akin ang larawan nang dahilan kong bakit galit na galit ngayon ang ina ng asawa ko sa'kin.

Nanlalaki ang dalawa kong mata at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Umiling- iling ako.

"hi-hindi ako yan!Paano ako ang nasa larawan....ni hindi nga ako lumalabas ng bahay."mariin kong tanggi dahil totoo naman.Paano ako ang nasa larawan na may kasamang ibang lalaki.At isa pa,mahal na mahal ko ang asawa ko kaya hindi ko magagawang pagtaksilan siya,ni hindi ko nga magawang tumingin sa ibang lalaki.Makisping pa kaya sa ibang lalaki.

"itanggi mo pa!Poor girl!Isa ka lang namang taga probinsya,anak ng mahirap.Nagtataka nga ako kay Caleb bakit ikaw ang pinakasalan,imbis na ako na matagal niyang kilala.At saka,walang-wala ka naman sa kalingkingan ko!Duh!"alipusta niya sa akin at humalikipkip pa sabay ikot ng kanyang mata.

"wala kang karapatan na husgahan ako!At kaya ako pinakasalan ni Caleb ay dahil mahal niya ako!Mahal namin ang isa't-isa."pagtatanggol ko sa relasyon namin ng asawa ko.

Pero tumawa ang ina ni Caleb at nakisabay pa ang babae.

"mahal!Wala kang alam babae.Ang anak ko,kaya ka lang naman niya pinakasalan ay dahil nagpapalakas lamang siya bayan ninyo para iboto nila siya bilang Senator.Alam kasi niyang malakas ang pamilya mo sa lugar ninyo.Ngunit,may balak na siyang hiwalayan ka dahil wala ka ng silbi sa kanya!ni hindi mo nga mabigyan ng anak,dahil nga siguro ay wala kang kakayahan na magbuntis—o mas sabihing baog ka."paghuhusga niya sa akin.

Napangiti ako ng mapait at umiling.Hindi niya alam,dinadala ko na ang apo niya.Kaya dapat lang na hindi nila malaman ang pinagbubuntis ko.

Dahan-dahan akong tumayo.

"hindi 'yan totoo!!"mariin kong tanggi.

"isa kang baog.Puta."mura sa akin ng babae,kaya hindi ko napigilan aking sarili na sampalin ang pagmumukha niya.

"May lakas kang sampalin ako."galit na galit na sigaw sa akin ng babae habang hawak-hawak niya ang sinampal kong mukha niya.

Tumawa ako ng mahina."bakit hindi!ganyan din naman ang bibig mong mabaho.Anong karapatan mo rin na murahin ako.."mura rin ko sa kanya.

"anong karapatan mong saktan ang magiging manugang ko."pagtatanggol nito sa babae.

"manugang!"ulit ko."kabit, pwede pa."

"hayop kang babae.Kung hindi mo lang inakit si Caleb baka ako na ang asawa niya ngayon at hindi ikaw na nagtitinda lang ng isda sa tabi."

Nasaktan ako sa sinabe niya.Pero kailanman hindi ko inakit si Caleb,totoong minahal niya ako.

"umalis ka na lang babae at hindi na magpapakita pa sa Anak ko.Tutal,hindi mo rin naman mabigyan ng anak ang anak ko."taboy sa akin ng ina ni Caleb.

"huwag mag-alala tita Carmen.Ako ang magbibigay ng anak kay Caleb at maging apo mo.Baka sa babaeng iyan,sakit pa ang ibibigay nito kay Caleb."

"kaya ikaw puta!Magbalot-balot kana at lumayas na sa mansion ng mga Cruz dahil nandito na ako.Ako lang ang karapat dapat kay Caleb hindi ang isang tulad mong mahirap at p****k."dagdag pa nito.Napakuyom ang kamay ko.Pinipigilang masampal ko siya ulit.Baka hindi lang sampal ang magawa ko ngayon sa kanya.

"hindi ako aalis!Dahil ako....ako ang asawa ni Caleb.Ako ang mahal niya.At kong sino man sa atin ang aalis ngayon—ikaw yun."mariin kong sabi.

"anong karapatan mong paalisin si Faye sa sarili kong pamamhay!Pamamahay namin ito!Ako ang ina ni Caleb at unang ginang sa bahay na ito,kaya ako lang ang may karapatan na magsabi kong sino ang aalis.Anong gusto mo, hintayin mo pa bang ang anak ko mismo ang magpapalayas sayo?"singit ng ina ni Caleb.

Faye pala ang pangalan ng hitad na ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

GennWrites
GennWrites
Highly recommended! (⁠◕⁠દ⁠◕⁠)
2026-08-12 20:24:27
1
0
kkyrieehale
kkyrieehale
Highly Recommended! 🫶🫶
2026-08-07 17:16:50
1
0
Ilocana
Ilocana
Highly recommended story
2026-08-04 12:11:25
0
0
Ilocana
Ilocana
Short story Signed 09/30/26
2026-07-30 21:32:19
0
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status