Share

21

Penulis: Allecorianna
last update Tanggal publikasi: 2026-11-09 18:14:16

MARIPOSA

KINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.

“Aray ko…” mahina kong daing.

Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   24

    MARIPOSATAHIMIK ANG BUONG BIYAHE namin pauwi sa mansiyon. Nakaupo ako sa passenger seat habang paminsan-minsang sumusulyap kay ninong Daxton na abala sa pagmamaneho. Kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap. Iba ang mukha niya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Wala ang karaniwan niyang ngisi at tila may mabigat na iniisip.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.Ano ba ang problema niya? Kanina sa bar, bigla na lang siyang sumingit sa usapan namin ni Harris at mariing sinabi na hindi ako puwedeng sumama rito. Pagkatapos, hindi na niya ako kinausap nang maayos. Nang magpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho, sinabi lang niyang ihahatid niya ako pauwi.Napatingin ako sa kaniya. Nakasentro ang atensiyon niya sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela."Ninong...""Hmm?""Okay ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita."Okay lang ako."Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang itsura niya. Kung okay

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   23

    MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   22

    DAXTON NAPASABUNOT AKO nang maalala ko ang sinabi ko kay Mariposa habang kumakain kami. Tanginang kalibugán ito! Pati inaanak ko, minamanyák ko na! Bakit ba kasi napakaganda at sexy niya?Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mesa. Narito ako ngayon sa mansyon, sa loob ng mini office ko habang pinag-aaralan ang nabili kong lupa. Magtatayo ulit ako ng panibangong club. Ilang sandali pa, may kumatok na kasambahay. Narito raw ang pinsan kong si Denver. Tumango ako at saka sinabing papuntahin na lang. Kaya ilang sandali pa, dumating na ang pinsan kong sira ulo rin.“Ano ka na, insan? Binibira mo na ba ang inaanak mo?” aniya bago humalakhak.Hindi ko tuloy napigilang matawa sabay iling.“Tangina mo! Nabanggit ko lang sa iyo ang tungkol kay Mariposa tapos ganiyan na agad ang nasa isip mo? Tangina mo talaga ano?”Muli siyang tumawa ng malakas bago hinila ang upuan at naupo sa harapan ko. “Eh tangina mo rin kasi! Manyakis kang hayôp ka. Kung sino-sino nga ang tinitira mo!”“At kasalanan ko

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   21

    MARIPOSAKINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.“Aray ko…” mahina kong daing.Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami ni ninong sa Romanov Privé. Ikinuwento ko sa kaniya ang problema ko kay Papa at hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Pero paano ako nakarating dito sa kuwarto? Ang alam ko, nahihilo na ako at hindi na halos makatayo nang maayos.Si ninong kaya ang nagdala sa akin?Napatingin ako sa pinto bago muling napahawak sa sentido. Unti-unti kong naalala ang mga sumunod na pangyayari. Nasa kama na ako nang tawagin ko siya. Lumapit

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   20

    MARIPOSAKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa Romanov Privé. Hindi ko na muna inisip ang nangyari sa bahay dahil ayokong masira ang buong araw ko kakaisip sa walang kwentang tatay ko. Sa halip, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho. Abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pag-check ng mga paninda at pag-asikaso sa mga customer. Kahit may pagkakataong puwede akong magpahinga, hindi ko iyon ginagawa.Gusto kong maging abala para hindi ko na maalala ang lahat ng problema sa bahay."Mariposa."Napalingon ako nang marinig ang boses ni ninong. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa mga basong inaayos ko sa counter."Yes po, ninong?""Kanina ka pa nagtatrabaho. Hindi ka pa ba nagpapahinga?"Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ayos lang po ako. Marami pa po akong kailangang gawin.""May mga empleyado naman dito na puwedeng gumawa niyan. Hindi mo kailangang akuin lahat.""Okay lang po. Gusto ko lang maging abala."Sandali niya akong pinagmasdan bago lumapit sa counter.

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   19

    MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status