Tahimik lang ang biyahe nila.Hindi alam ni Joy kung ilang beses na siyang sumilip sa bintana ng itim na luxury SUV habang binabaybay nila ang kalsada. Pakiramdam niya ay hindi pa rin siya nagigising. Parang kanina lang ay naglalako pa siya ng vitamins.Ngayon, nakasakay na siya sa sasakyang mas mahal pa yata kaysa sa buong barangay nila. Grabe! Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Parang ayaw mag-sink in sa utak niya ang mga kabaliwan niyang ginawa ngayon eh. Ayaw mag-process eh.Napabuntong-hininga siya.Joy Reyes, ano na namang pinasok mo?Pero wala na siyang pakialam kahit hindi man matanggal ng utak niya ngayon, basta ang importante, may pera siya. Yon na lang talaga ang pinanghahawakan niya.Kasi sino bang tangang magbibigay ng ten million sa kaniya? Syempre wala! Si Alexander lang. Kahit yata addict, hindi maiisip magbigay ng ten million para lang may magpanggap na girlfriend eh. Wala talaga, si Alexander lang."Miss Reyes?"Napalingon siya sa driver's seat. "Opo?""Malapit n
Last Updated : 2026-08-04 Read more