Kinabukasan, nagising si Joy na may isang malaking problema.Hindi siya makabangon.Hindi dahil pagod siya. Hindi dahil masakit ang katawan niya. Kundi dahil ayaw niyang buksan ang mga mata niya. Sa sandaling maalala niya ang nangyari kagabi, gusto niyang ibalik ang kumot sa ibabaw ng ulo niya at manatili roon hanggang sa matapos ang kontrata nila.Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na wala lang iyon. A simple gesture. Iyon lang. Pinunasan lang naman ni Alexander ang icing sa labi niya. Hindi iyon romantic. Hindi iyon special. Hindi iyon—“Stop it, Joy,” naiinis na saway niya sa sarili.Napabuntong-hininga siya. Bumangon siya mula sa kama at mabilis na pumasok sa banyo. Pagharap niya sa salamin, natigilan siya. Mukha siyang tulala na puyat na ewan.“Ang ganda mo pa rin kahit confused ka,” bulong niya sa sariling repleksyon. Huminga siya nang malalim at tinapik ang magkabilang pisngi. “Focus. Trabaho.”Iyon ang kailangan niya. Trabaho, pera, at kontrata. Wala nang iba
Last Updated : 2026-09-02 Read more