Hindi na nawala sa isip ni Joy ang sinabi ni Alexander kagabi.“There’s always a next time.”Isang simpleng sagot, pero bakit pakiramdam niya ay may nagwawalang mga paru-paro sa tiyan niya hanggang ngayon? Napailing siya habang nakaharap sa salamin."Joy Reyes, tigilan mo 'yan," saway niya sa sarili. Inayos niya ang buhok at pinagpagan ang suot na simpleng blouse at slacks.Trabaho. Sweldo. Future.Iyon ang kailangan niyang isipin. Hindi dessert, hindi gala, at mas lalong hindi si Alexander Montalban. Kinuha niya ang bag at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.Pero pagtapak niya sa dining area, tila agad umurong ang lahat ng determinasyon niya.Nandoon na si Alexander. Nakaupo ito sa kabisera ng mesa, suot ang paborito nitong dark suit na lalong nagpapalitaw sa malalapad nitong balikat. Seryoso itong nagbabasa ng ilang dokumento, pero ang nakapagpahinto kay Joy ay ang nakahandang almusal sa tapat ng usual na upuan niya.May itlog, toast, fresh fruits, at isang baso ng orange juice."Para
Last Updated : 2026-08-18 Read more