"Very."Isang salita lang yon. Isang simpleng salita na binitawan nito sa ganoong kababang boses, pero sapat na iyon para tuluyang manigas si Joy sa kinatatayuan niya.Hindi niya alam kung bakit parang biglang uminit ang magkabilang pisngi niya. Naramdaman niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya sa ilalim ng suot niyang gown.Hindi naman iyon totoo, paalala niya sa sarili. Alam kong hindi, dagdag pa ng utak niya.May kontrata sila. May rules. May arrangement na malinaw pa sa sikat ng araw.Pero sa harap ng mga taong nakatingin sa kanila ngayon, sa paraan ng pagkakatitig at pagiging kalmado ni Alexander, parang napakadaling paniwalaan ng sinabi nito.Napatingin si Joy sa babaeng kaharap nila. Halatang nabigla ito. Bahagyang nag-iba pa nga ang ekspresyon ng mukha nito, umawang nang kaunti ang bibig nito bago mabilis na binawi ng isang pilit na ngiti."That's… You know, uhm, unexpected.""Life is full of surprises," kalmadong sagot ni Alexander, ni hindi man lang kumurap.Hindi na it
Last Updated : 2026-08-13 Read more