"ANONG ginagawa mo rito, Ethan?" May diing tanong ni Anastacia. Napatingin ang binata sa kanyang mag-iina. Ang triplets ay mahigpit na niyakap ni Anastacia, animo'y ayaw pakawalan. "Daddy...." sabi ni Arianna. Napabaling ng tingin si Anastacia sa kanyang bunso. "Arianna, baby..." tugon ni Ethan na alinlangang ngumiti sa anak. "Mommy, can we hug Daddy?" tanong na pakiusap ni Aiden sa ina. Wala pa ring reaksyon si Anastacia. Galit pa rin ang mukha nito na nakatingin sa kanyang mga anak. "Hindi," malamig niyang sagot. Napakunot-noo si Aiden. "But, Mommy..." "Wala kayong dapat gawin." Pinisil ni Anastacia ang balikat ng mga anak. Pero hindi gumalaw ang tatlo. Sa halip, nanatili silang nakatingin kay Ethan. "Daddy, hindi ka ba aalis?" tanong ni Ethaniel. Napatingin si Ethan sa anak. Masakit para sa kanya na makita ang tatlong batang ilang taon niyang hindi nakilala ngunit ngayon ay alam niyang dugo niya. "Anak... hindi ako aalis kung ayaw ninyo," mahina ang boses niya. "Momm
Last Updated : 2026-09-23 Read more