"GOOD morning, babies..." masayang bati ni Anastacia sa kanyang mga anak. "Good morning, Mommy," sabay-sabay na bati ng triplets sa kanilang ina. Napangiti si Anastacia. Bihis na sila at mag-aalmusal kasama ang mga Monteverde. "Let's go to the dining. Naghihintay na sila sa atin sa baba." Aya niya sa triplets. "Mauna ka na po, Mommy. Susunod po kaming tatlo," sabi ni Aiden. Napatingin ang dalawang kapatid niya sa kanya. Mukhang may pag-uusapan pa silang tatlo bago bumaba. "Sige. Hintayin ko kayo sa baba," tugon ni Anastacia at iniwan ang triplets sa kuwarto. Pagkalabas ni Anastacia ay agad nagsilapitan ang magkakapatid. "Maganda ang gising ni Mommy. Mukhang masaya siya," komentong sabi ni Aiden sa mga kapatid. "Sa tingin mo, Kuya, si Daddy ang dahilan kaya masaya si Mommy?" tanong ni Ethaniel. Tumango si Aiden habang inaayos ang suot niyang polo. "Siguro. Kagabi, masaya rin si Mommy noong kasama natin si Daddy." "Pero baka dahil lang kumpleto tayo," singit ni Arianna. "Mas
Last Updated : 2026-10-01 Read more