SABAY-SABAY silang kumain ng masarap na meryenda sa dining. Hindi magkamayaw si Ethan sa pag-asikaso sa tatlong mga anak. Pinapanood ni Veronica ang anak niya habang inaasikaso ang mga anak nito. Nakikita na niya, kahit wala itong karanasan bilang isang ama, magiging mabuting ama si Ethan sa triplets. "How's the food, kiddos?" magiliw na tanong ni Ethan. "Masarap po," si Arianna ang sumagot sa ama. Napatingin si Ethan sa dalawang boys. "It's good po, Dad..." sabay na sagot nina Ethaniel at Aiden. Napangiti si Ethan. "So, what do you want after this? Dessert?" tanong niya. "Yes, Dad!" sabay-sabay na sagot ng tatlo. Napatawa si Ethan sa bilis ng kanilang sagot. "Okay. What do you want?" "Chocolate cake!" sigaw ni Arianna. "Donut!" sagot naman ni Ethaniel. "Ako po, ice cream," sabi ni Aiden. "Three different desserts?" natatawang tanong ni Ethan. Tumango ang magkakapatid. "Okay. We can have all three." "Really?" nanlalaking mga mata ni Arianna. "Yes. Pero kaunti lang ba
Last Updated : 2026-09-25 Read more