PUMARADA ang kotseng sinasakyan ng buong pamilya ni Ethan sa harap ng mataas na gusali ng MGV. Napatingin mula sa labas ang triplets. Maraming ilaw at maraming tao sa labas. Naroon din ang mga taga-press na abalang kumukuha ng litrato sa mga bisitang dumarating. Hindi lang mga empleyado ng MGV ang imbitado, inimbitahan din nina Veronica at Lorenzo ang mga kilalang tao, mga negosyante, at celebrities para makiisa sa kanilang event. "Wow! Daddy, ang daming tao!" excited na sabi ni Aiden habang nakatingin sa labas. "May mga camera rin sila!" dagdag naman ni Ethaniel nang mapansin ang mga photographer na nakapuwesto sa magkabilang gilid ng entrance. "Are they going to take our pictures, too, Daddy?" tanong ni Arianna habang nakatingin sa kaniyang ama. Ngumiti si Ethan sa bunso niyang anak. "Yes, princess. But don't be scared. Daddy is here, and Mommy is here, too." Agad na lumapit si Arianna kay Anastacia at hinawakan ang kamay nito. Ang dalawang kambal naman ay nanatiling nakatin
Last Updated : 2026-10-28 Read more