PAGKALABAS ng university ay dumiretso silang magkakaibigan sa coffee shop. Para i-celebrate ang pagkawala ng virginity ni Anastacia. Celebration ba ito o pagluluksa? Parang gustong matawa ni Anastacia. "Order lang kayo kung among gusto niyo. Sky is the limit." Laking tuwa naman nina Sophia at Camille. Sa kanilang tatlo si Anastacia talaga ang pinakamayaman sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na napangiti. "Narinig mo 'yon, Camille? Sky is the limit daw!" natatawang sabi ni Sophia. "Sigurado ka ba, Ana? Baka pagdating ng bill, himatayin ka," biro ni Camille. Umirap si Anastacia. "Hindi ako aatras. Umorder na kayo." Agad namang kumuha ng menu ang dalawa. "Isang caramel macchiato, cheesecake, at chicken sandwich sa akin," sabi ni Sophia. "Ako naman, iced mocha, pasta, saka red velvet cake," sunod ni Camille. Napailing si Anastacia habang nakangiti. "Kayo talaga. Sinamantala n'yo agad." "Sabi mo kasi sky is the limit," natatawang depensa ni Sophia. Nang makaa
Last Updated : 2026-07-22 Read more