BIGLANG bumukas ang p***o ng opisina ni Lorenzo. "Looking for me?" Napalingon silang lahat. Napatigil si Luca nang makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Napatingin naman si Damien kay Ethan, saka sa babae. Si Evelyn, kambal ni Ethan. Kung si Ethan ay kilala sa malamig at intimidating na aura, si Evelyn naman ay ganoon din. Sopistikada ang kilos nito at may halong pagkamaldita ang paraan ng pagsasalita. Girl version siya ni Ethan. "You're here," sabi ni Lorenzo. "Of course, Dad." Pumasok si Evelyn sa loob ng opisina at isinara ang p***o sa likuran niya. Napatingin si Veronica kay Ethan. "Evelyn, hija... you surprised us. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa MGV," sabi ni Veronica. "I didn't plan to come here today, Mom. Pero kasi malakas ang radar ko na makikita ko si Ethan ngayon." Napatingin si Evelyn sa kanyang twin brother. "Magkapatid nga kayong dalawa." Natatawang sabi ni Veronica. Masaya siyang makita na kumpleto sila. Bibihira ang ganitong pagkakataon, dahil
Terakhir Diperbarui : 2026-08-16 Baca selengkapnya