Nang patakbong pumasok si Felicity sa security office, nakita niya ang kanyang anak na umiiyak sa ilalim ng malamlam na ilaw."Mommy! Akala ko po ayaw niyo na po sa akin!"Kaagad na yumakap sa kanya ang bata nang makita siya. Habang mahigpit na yumayakap sa kanya ang kanyang anak, naramdaman ni Felicity na tuluyang lumambot ang kanyang puso. "Baby, I'm sorry. It's mommies fault. Nakalimutan lang ni Mommy..."Ang makalimutan na may anak siya—talagang nararapat siyang maparusahan nang sobra dahil doon. Pero kung may tao man na mas nararapat na maparusahan, iyon ay si Hendrix.Sapagkat tinanggal nito si Isabel sa trabaho nang walang pag-aalinlangan, na nagdulot ng tsismis sa buong kumpanya na seryoso na raw ito sa kanya. Pano ba naman, pinagalitan siya ni Isabel sa pagpupulong kaninang umaga, at agad itong sinitante.Hindi naniwala si Felicity sa kahit anong balita. Pagkatapos kasing matanggal ni Isabel, conveniently na ipinasa sa lamesa niya ang lahat ng trabaho ng dating director. Ni h
Last Updated : 2026-07-27 Read more