Hindi naman sa ayaw niyang magbahagi ng problema—alam lang niyang hindi madaling kalabanin si Rafael. Kung isasangkot niya ang mga kaibigan, baka madamay pa sila. Mas mabuti nang siya muna ang humarap dito.Habang nag-iisip siya, narinig niya ang mabibigat na yapak pababa ng hagdan. Si Yuan, gusot pa ang buhok at inaantok pa. Lumapit ito sa sofa at tumingin sa kanya. “Ma, tulala ka ba? Patay na ang TV.”Napahinto si Isabela. “Papasok ka ba ngayon?”Tumango si Yuan. “Opo, ‘Nay. Nakalimutan niyo na po?”“Pasensya na anak,” pilit na ngiti ni Isabela “Nag-isip lang ako nang masyado.”“Basta ihatid niyo ako sa school, patatawarin ko na kayo,” sabi ng bata habang hawak ang kamay niya.Sabay silang kumain, bagaman parang wala pa rin sa sarili Isabela. Nang matapos silang kumain, pinalitan na siya ng damit ng yaya. Handa na silang umalis—ngunit pagdating sa pintuan, hinarang sila ng isang bantay.“Madam, manatili po muna kayo sa loob para sa inyong kaligtasan.”Napakunot-noo siya. “Ihahatid k
Last Updated : 2026-08-07 Read more