Chapter 1Ngayon ang ika-anim na anibersaryo ng kanilang kasal. Sa isip ni Isabela, sana ay maging masaya ito sana ay magkakasama silang tatlo: siya, kanyang asawa , at ang kanilang anak, bilang isang buong pamilya. Ngunit tila walang kahit sinong nagpahalaga sa araw na ito. Ni hindi man lang nagpakita ang lalaking hinihintay niya. Mula umaga hanggang gabi, paulit-ulit siyang tumawag, pero ni isang beses ay hindi sinagot ni Rafael.Unti-unting nanlamig ang puso ni Isabela. Sa isip niya ay hayaan na lang at wag pilitin ang ayaw. Ano pa bang saysay nito. Parang pagkaing inihanda at inabangan nang matagal, pero wala nang gana ang kakain nito ganun na rin siya sa kanilang pagsasama. Sa wakas, nagpasya na siya. Panahon na para gumising sa pangarap na kinapuluputan niya ng mahigit anim na taon.Pinindot niya ang numero ni Attorney Lorenzo. “Attorney, maaari po ba kayong gumawa ng kasunduan? Gusto ko na pong magdiborsyo.”“Sigurado po ba talaga kayo, Mrs.Isabel? Tatapusin na ninyo ang anim n
Last Updated : 2026-07-20 Read more