Lindsay POV Pagkalipas ng limang taon, dumating ang araw ng ika-pitumpung kaarawan ni James. Puno ng mga bulaklak, ilaw, at tugtugan ang malawak na hardin ng aming tahanan sa Tagaytay. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay namin ay narito—mga matagal nang kaibigan, mga kasosyo sa negosyo na saksi sa aming pagbabago, at ang pinakamahalaga sa lahat, ang buo naming pamilya. Nakatayo ako sa tabi ng malaking table habang pinagmamasdan ang aming tatlong anak na sina Jake, Biboy, at Sofia na masayang nag-uusap habang inaayos ang malaking birthday cake ni James. Si Jake ay dumating dalawang araw ang nakalipas mula sa Canada kasama si Maya at ang kanilang mga anak, habang sina Jenny at Ethan naman ay busy sa pag-aalaga sa mga bata na nagtatakbo sa paligid. "Mom," ngumiti si Sofia habang lumalapit sa akin at iniaabot ang isang baso ng mainit na tsaa. "Nasaan po si Dad? Magsisimula na po ang programa." "Naroon sa may gazebo, Sofia," sagot ko habang nakatingin sa 'di kalayuan. "Nakatitig n
Huling Na-update : 2026-10-08 Magbasa pa