Darlene POV Kung ako lang sana, ayoko nang ungkatin ni Matthew ang nakaraan. Ayoko nang malaman pa kung ano ang nangyari kay Victoria. Dahil kahit ayaw aminin ni Matthew, ramdam kong naapektuhan pa rin siya sa pagkamatay nito. Hindi ko naman siya sinisisi. Unang pag-ibig niya si Victoria. At kahit maraming taon na ang lumipas, hindi naman madaling burahin ang isang taong minsang naging mahalagang bahagi ng buhay mo. Kaya nitong mga nakaraang araw, tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Kapag nababanggit ang pangalan ni Victoria, napapansin kong nag-iiba ang ekspresyon niya. Minsan, tahimik siya. Minsan, parang may malalim na iniisip. At minsan, nahuhuli ko siyang nakatitig sa kawalan. Ayokong isipin na may nararamdaman pa siya para kay Victoria. Hindi iyon ang iniisip ko. Ang nakikita ko ay isang taong may sugat na matagal nang nagsara, pero kapag nahawakan ang bahagi nito, muling sumasakit. At ayokong iyon ang mangyari sa kanya. Ayokong bumalik siya sa guilt. Ayokong
Last Updated : 2026-09-08 Read more