Darlene POV Kaya naman, wala na ring nagawa si Matthew kundi ang payagan akong pumasok muli sa kaniyang kumpanya. Pero malinaw ang aming kasunduan—hindi na bilang secretary niya kung saan napakaraming inaasikasong schedule at nakatatarang trabaho. Pumasok ako bilang isa sa mga regular na staff lamang sa kaniyang departamento. Dahil bawal sa akin ang ma-stress at mapagod, magagaan lamang ang aking ginagawa: taga-encode ng ilang simpleng datos, taga-xerox ng mga papeles, at taga-ayos ng ilang folder. Noong unang araw ko, halos ayaw akong paghawakan ni Matthew ng kahit ano. "Dars, sigurado ka bang kaya mo 'yan? Baka mabigat 'yang papel, ako na ang mag-xerox," naiihiyang bulong ni Matthew habang nakatayo sa tabi ng xerox machine, halatang nag-aalala at walang pakialam kung pinatitinginan na kami ng ibang mga empleyado. "Matthew, tatlong pirasong papel lang 'to," natawa kong sagot habang itinutulak siya nang bahagya pabalik sa kaniyang cubicle. "Bumalik ka na sa office mo. Baka kung a
Last Updated : 2026-09-30 Read more