Pinindot niya muli ang remote.Lumabas ang unang larawan. Actually, kilala ko na siya. Mukhang may ideya na ako sa kung sino ang mga makakasama ko."Si Via."Oo, si Via. Iyong babaeng bumaril sa akin noong araw ng selebrasyon. Si Via na anak ni Viena at kapatid ni Lucien.Makikita sa larawan ang kanyang inosenteng mukha, may mahabang itim na buhok, at nakasuot siya ng simpleng damit. Kung hindi ko pa siya nakikilala, malamang iisipin kong para siyang anghel na bumaba mula sa langit. Pero hindi. Kapansin-pansin din ang matalim niyang mga mata."She will serve as your hacker and intelligence support. She is responsible for digital intelligence, information analysis, and maintaining communication with your team. Siya rin ang tutulong sayo na makapasok sa area ng target na hindi nahuhuli. Ibig sabihin, siya ang magiging mata mo.""Ilang taon na ba siya?" tanong ko. Mas mabuti pang kilalanin ko muna sila."Twenty-four," sagot ni Viena— na siyang nanay nila. Hindi ko alam kung tunay niya ba
Terakhir Diperbarui : 2026-11-04 Baca selengkapnya