"Sa rami na ng mga nalaman mo tungkol kay Lucien, ni hindi pa rin natinag ang paniniwala mo tungkol sa kanya," sabi ni Leon habang prenteng nakaupo sa single sofa na narito sa loob ng kwarto.Hindi ko nga alam kung saan ako ngayon."Kaya nagdesisyon kaming dalhin ka sa Russia para makita mismo ng mga mata mo kung paano papatayin ni Lucien ang kapatid mo," dagdag niya pa.Gagawin nila iyon?"Bakit ginagawa ninyo ang lahat para magalit ako kay Lucien?" bigla kong naitanong.Nagkibit-balikat siya. "Sinabi ko naman sayo na hindi mo maiintindihan kahit na ipaliwanag pa namin. Masasagot mo mismo ang tanong na iyan kapag bumalik na ang mga alaala mo."Alaala...Napaisip ako.Ayon sa pagkakaalam ko, maalala mo pa ang mga nangyari noong sampu ka pa, mayroon din namang iba na naalala pa kahit noong pito o walong taong gulang sila.Binalikan ko ang mga alaala noong kasama ko pa ang mga kapatid ko mula noong bata pa kami. Mula noong kasama pa namin si Nanay.Naaalala ko pa naman."Tungkol sa mga
Last Updated : 2026-10-13 Read more