"Depende sa uri ng utos," sagot ni Anton."Hindi iyan ang gusto kong marinig na sagot, pakilinaw naman," seryoso kong sagot."Ang board of executives ang may pinakamataas na awtoridad sa Olympus," paliwanag niya. "May mga desisyong hindi maaaring baguhin ng isang branch head.""So kahit ako ang mamuno sa Artemis, kailangan ko pa ring sumunod sa kanila?""May mga pagkakataong oo."Napangisi ako nang mapait. "Kung ganoon, para saan pa at ako ang magli-lead ng Artemis.""You're responsible for your branch," sagot ni Rebecca. "Magkakaroon ka ng awtoridad sa mga tauhan ng Artemis, magkakaroon ka ng karapatang malaman ang bawat misyon. Tandaan mo, assassin branch ang Artemis, at sinabi ko na sayo kanina na ang Artemis ang nangangalap ng mga impormasyon. Ibig sabihin, malaking kawalan sa Olympus kapag wala ang Artemis."Para talagang may ibang ibig sabihin ang ilan sa mga salita nila.Na para bang gusto nila akong mamuno ng Artemis dahil alam nilang kaya kong gawin ang mga imposible— katulad
Last Updated : 2026-11-03 Read more