Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ni Ate Laura. Mabuti na lang at kaagad niyang nakuha iyon."Kumalma ka muna, Rain," pang-aalo sa akin ni Ate Laura. "Aalis muna ako para alamin kung totoo ba itong mga larawan ni Lucien na kumakalat ngayon sa mga social media. Hindi tayo pwede magpadala sa kung anong nakikita natin, lalo na sa internet."Wala sa sarili akong tumango habang nakatingin sa kawalan.Hindi ko namalayang nakaalis na pala si Ate Laura. Hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo lang sa kama.Namatay si Lolo Alfonso, pinaghahanap si Kuya Manue, namatay si Ellen, at ngayon ito namang mga larawan nina Lucien at Rachel.Sa sobrang daming nangyayari, pakiramdam ko ay hindi ko na masundan ang lahat. Pakiramdam ko hindi na kaya ng utak kong tanggapin ang lahat at iproseso iyon.Kaninang umaga pa umalis si Lucien pero gabi na at hindi pa rin siya bumabalik.Kung totoo man ang mga larawan na iyon, anong gagawin ko?May magagawa nga ba ako?Akala ko ay tinubuan n
Last Updated : 2026-10-05 Read more