LEXI:AFTER we talked, I went back inside first. Naiwan ito sa labas na hindi nakaimik sa aking tinuran. Of course, she's speechless. Tinamaan ko ba naman ang pinakatatago nilang lihim sa akin. Sakto namang pababa na si Ashton sa hagdanan. Napakunotnoo ito nang mapansin akong nanggaling sa labas. Hinintay ko itong makababa na lumapit sa akin. Napasuri pa ang tingin nito sa kabuoan ko, na tila sinisiguro niyang maayos ako.“Is everything okay, honey?” mahinang tanong nito na tinanguhan ko.Sumunod na ring pumasok si mommy, kaya nahinulaan na nitong nag-usap kami sa labas. Tumango ito na inakay na ako patungong dining room. Mabuti na lang, nandidito na si Lucy, at least hindi ako mago-overthink na naiwan sila sa taas ni Ashton kanina. Ipinaghila ako ni Ashton ng silya sa tabi nito. Sumunod naman nang naupo sina mommy at daddy. Kinuha din ni yaya si baby mula kay daddy. We were all seated together at the dining table. Hindi na ako nagkomento nang lagyan ni Ashton ng pagkain ang plato k
Huling Na-update : 2026-09-20 Magbasa pa