Nagising ako nang wala na si Xian sa tabi ko. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba ang sarili ko o siguro sa susunod na makita ko ulit siya, kamao ko nang kakausap sa kanya. Kahit ang totoo ay wala rin akong sapat na lakas para masaktan siya.Pinaghahampas ko ang mga unan sa sobrang inis. “Great, Christine—”Sisigaw na sana ako, pero naudlot nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok si Xian na may dalang pagkain.Ahhh, so hindi pala niya ako tinakasan kundi nagluto lang.“Good morning,” masaya niyang bati.“Same here.”“Ano’ng ginagawa mo sa unan?”“A-ah… pinapagpag ko lang. Maalikabok kasi, hehe.”“Oh, okay. Heto ang food mo. Kumain ka para naman manaba ka kahit papaano.”Biglang naningkit ang mga mata, “Insulto ba ‘yan?”Sa halip na sumagot, maingat niyang inilapag ang plato sa bedside table bago umupo sa tabi ko. Na para bang wala siyang narinig.“Talikod ka.”Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Ha? Bakit?”“Basta, tumalikod ka na lang kasi.”“O-okay. Pag talaga ‘yan, kaloko
Last Updated : 2026-08-26 Read more