Share

Chapter 9

last update publish date: 2026-08-26 20:32:42
Nagising ako nang wala na si Xian sa tabi ko. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba ang sarili ko o siguro sa susunod na makita ko ulit siya, kamao ko nang kakausap sa kanya. Kahit ang totoo ay wala rin akong sapat na lakas para masaktan siya.

Pinaghahampas ko ang mga unan sa sobrang inis. “Great, Christine—”

Sisigaw na sana ako, pero naudlot nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok si Xian na may dalang pagkain.

Ahhh, so hindi pala niya ako tinakasan kundi nagluto lang.

“Good morning,” masaya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 10

    Inaya ako ni Xian na pumunta sa kanila dahil baka magtaka ang mommy at lola niya kung bakit bigla na lamang akong naglaho kagabi.Nasa sasakyan pa lang kami. Kinakabahan na ako.“What if tawagan mo na lang tapos sabihin mo na magkasama tayo?”“Don’t you think medyo nakakabastos naman kung hindi natin sila bibigyan ng proper explanation tungkol sa kung anong nangyari sa’yo kagabi?”“Sabagay.”Pinagmasdan niya ako.“Teka, don’t tell me you’re nervous?”“M-medyo…oo. Nakakahiya kasi bigla na lang akong nawala kagabi.”“Hindi sila magagalit, don’t worry.”Hinawakan niya ang kamay ko na kanina pa nanlalamig sa kaba. Sobrang nahihiya talaga ako.Papalapit na kami ng papalapit. Hanggang sa makarating na kami. Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansion.May ilang tagasilbi na nakatayo sa labas. Sinalubong nila kami at binati.Pumasok kami.Gusto ko sana manatili na lang sa likuran ni Xian pero mapilit siya at hinahatak ako para sabay kami habang magka holding hands. Ang dami niyang arte. Para daw

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 9

    Nagising ako nang wala na si Xian sa tabi ko. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba ang sarili ko o siguro sa susunod na makita ko ulit siya, kamao ko nang kakausap sa kanya. Kahit ang totoo ay wala rin akong sapat na lakas para masaktan siya.Pinaghahampas ko ang mga unan sa sobrang inis. “Great, Christine—”Sisigaw na sana ako, pero naudlot nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok si Xian na may dalang pagkain.Ahhh, so hindi pala niya ako tinakasan kundi nagluto lang.“Good morning,” masaya niyang bati.“Same here.”“Ano’ng ginagawa mo sa unan?”“A-ah… pinapagpag ko lang. Maalikabok kasi, hehe.”“Oh, okay. Heto ang food mo. Kumain ka para naman manaba ka kahit papaano.”Biglang naningkit ang mga mata, “Insulto ba ‘yan?”Sa halip na sumagot, maingat niyang inilapag ang plato sa bedside table bago umupo sa tabi ko. Na para bang wala siyang narinig.“Talikod ka.”Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Ha? Bakit?”“Basta, tumalikod ka na lang kasi.”“O-okay. Pag talaga ‘yan, kaloko

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 8

    “Huwag mo na akong pag-aalalahin nang ganoon ulit.”Hindi ako nakapagsalita kaagad. Hindi ko maikilos ang katawan ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kabog ng sariling dibdib.Pero kahit na ganoon, pinilit kong bawiin ang sarili ko at nagawa ko pang pumiglas mula sa pagkakayakap niya.Hinarap ko siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero alam kong maling oras ito para kausapin siya.Sa halip, tinalikuran ko siya at nagdiretso na sa kwarto para kumuha ng pamunas. Bahagya pa akong natulala habang naghahanap ng towel.Totoo kaya na nag-aalala siya o nagpapanggap lang siya para makuha ang loob ko?Bumalik na ako para ibigay sa kanya ito.“Heto mag punas ka… muna…”Naabutan ko siyang nakahiga sa sofa at natutulog. Seryoso ba na pagod siya dahil hinanap niya ako? Parang hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ng isang taong tulad niya.Nilapitan ko siya at naupo sa lapag sa tapat ng sofa. Inihawi ko ang buhok na nakaharang sa buhok niya. Bumagsak na ang ilang hibla nito dahil basa s

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 7

    “What do you mean? May kapatid si Xian?”Nagtawanan silang dalawa.“You’re kuya’s fiancée pero hindi mo alam na may nakababata siyang kapatid?” Sabay tawa pa nang malakas.Nairita naman ako nang makisabay sa tawa si Jessica.Inikrus ko ang braso at tiningnan sila nang masama. “Nag-e-enjoy kayo pagtawanan pagiging bobo ko, ganon ba? Sige, mag-enjoy kayong dalawa. Bahala na kayo diyan.”Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Jessica. “Teka, Christine. Masyado ka naman seryoso. Nagbibiro lang naman kami.”“Seryoso ka ba, Jessica? Nagbibiro? Alam mo ba kung anong pakiramdam ang maghanap ng taong walang pakialam sa'yo tapos nagpapakasaya lang pala kasama ang kung sinong lalaki? Hindi, di ba?”Naramdaman nila pareho na seryoso na ako dahil sa tono ng pananalita ko, kaya tumigil sila pareho sa pagtawa.“Teka… hinahanap mo ako?”“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito sa labas sa dis-oras ng gabi, tumakas sa party na dapat ini-enjoy ko, nakalimutan ang kumain, at kontakin ka ng napakaraming be

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 6

    Kung ganoon, alam pala nilang lahat ito. At na-set up ako?!Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na magiging reaksiyon ko.So, I looked at Xian while trying to process everything. There’s a part of me na nag-e-expect na sana may biglang sumigaw ng ‘it’s a prank’. Pero mukhang seryoso ang lahat.Nagdoble pa ang kaba ko nang maghiyawan ang mga tao.“Say, yes!”“Yes, na ‘yan!”Parang biglang umiikot ang paningin ko, dahilan para mawalan ako ng balanse. Natumba ako pero mabuti na lamang ay nasalo agad ako ni Xian.Agad nagbukas ang mga ilaw na nakapatay kanina at dahan-dahan akong binuhat ni Xian papunta sa upuan.“Ikuha niyo siya ng tubig!” sigaw ng mommy niya.Agad na nanakbo ang isa sa kanila at inabot ang tubig kay Xian. Pinainom niya ako.“Ayos ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?”Hindi ako nagsalita. Sa halip ay tiningnan ko lang siya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha niya na parang seryoso ang pag-aalala.Lumapit sa akin ang mommy niya. “Iha, hindi

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 5

    “Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica pagbukas niya ng p***o.“Andiyan ka na pala. Ano ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang bitbit na ipinamili bago dumiretso sa akin sa sofa. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko na parang nababaliw na. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” nag-aalala niyang tanong.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“Yung lalaking nakas*x ko kagabi, tangina, boss ko pala. Tapos gusto pa akong makita ng mga parents niya kasi nga ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Halata rin ang pagkabigla sa kanyang mukha. “What the fuck?!” Sabay nagtawa.Baliw ba ‘to?“Baliw ka ba? Nai-stress na nga ang tao, natutuwa ka pa diyan?”“Bro, you just fucked your boss. Tapos ipinakilala ka pa ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status