Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-07-27 21:57:29

Nagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng katawan. Nagmulat ako at nakita kong nakahiga sa tabi ko ang isang estranghero. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, kaya bigla akong tumingin sa ilalim ng kumot at doon ko lang napagtanto na wala akong saplot.

Wala na ang Bataan!

Mabilis akong kumilos pero nagdahan-dahan ako para hindi siya magising. Nagbihis ako at kinuha ang mga gamit ko sa table. Umalis ako nang hindi niya namamalayan.

Nang makalabas na ako sa hotel, doon ko lang na-realize na all this time, nasa isang 5-star, one of the most luxurious hotels ako. Pero hindi naman iyon ang mahalaga ngayon.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Sumakay na ako ng taxi at bumalik sa apartment.

Siguro ay mas mabuting mag-absent muna ako ngayon. Pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko pagpasok sa trabaho dahil sigurado akong uusisain nila ako kung saan ako napunta. O siguro ay mas maganda kung maghanap na ako ng trabaho dahil baka mapahamak pa ako nang dahil sa manager ko at sa Ace na ‘yon.

“Christine? Saan ka nanggaling?” bungad ng roommate ko na si Jessica. “Sabi ng mga katrabaho mo na nawala ka na lang daw bigla.”

“Puwede bang bigyan mo muna ako ng makakain diyan? Gutom na kasi ako eh.”

“Oh, wait. Sakto, gagawa ako ng egg sandwich.”

Maya-maya lang ay inilapag niya ang ginawang sandwich at mainit na kape sa mesa. Naupo siya sa tabi ko at tiningnan ako nang may pagdududa.

“What?”

“Wala lang. Para ka kasing nakipagbuno sa sampung kabayo dahil sa buhok mo.”

“Masakit pa nga ang ulo ko, e. Para akong binalbal.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Ms. Gomez, huwag mo nga baguhin ang topic. Yung totoo? Saan ka galing?”

Bumuntong-hininga ako dahil mukhang wala nga talaga akong takas sa kanya. “Gusto mo talagang malaman?”

“Oo, naman. Kaya nga nagtatanong ako sa'yo, di ba? Dali, ikuwento mo sa akin kung anong misteryo ang naganap sa’yo buong gabi.” Pilyong itinaas pa niya ang magkabilang kilay niya.

Hindi ko naman mapigilang mapatawa dahil mukhang interesado talaga siyang malaman. “Nalasing ako kagabi.”

“Nalasing? Di ba hindi ka naman umiinom?”

“Wala, e. Pinilit nila ako. Wala na akong nagawa kasi ang manager namin ang may pakana.”

“Mga siraulo talaga mga ‘yon.” Bakas sa ekspresyon niya ang inis. “Huwag ko lang talaga silang makikita.”

“So, ayon nga. Nalasing ako. Dadalhin na sana ako ni Ace sa isang kwarto para alam mo na… but I refused. Hilong-hilo na talaga ako that time kaya wala akong laban.”

“Yung manyakis na iyon? Aba, loko yun ah. Libog na libog a****a.”

“But luckily, may lalaking dumating. Nawalan na ako ng malay noon. Then madaling araw naalimpungatan ako, I woke up in a stranger’s bed.”

“Teka, don’t tell me… yung Bataan.”

“Okay naman.”

“Good. Tapos? Pogi ba? Mayaman?” Bigla siyang naintriga.

“I guess he’s all that. Pogi, mayaman, maganda ang katawan, gentleman—”

“Maganda ang katawan —it means nakita mo?!”

“Well, ipinaghain niya ako ng food and accidentally, I ate a chocolate na hindi naman dapat. He said, Maca Chocolate daw iyon. And I don’t even know kung ano ‘yon.”

Bigla ako hinampas ni Jessica. “Siraulo kang babaita ka. Maca chocolate? Seryoso ka ba?”

“Eh hindi ko naman kasi alam ’yon, okay? Isa pa, malay ko ba na hindi pala ’yon kasama sa food na inihanda niya sa akin?”

“Kung kinain mo iyon…ibig sabihin…”

“Okay, ito na nga, ikukuwento ko na sa’yo.” Bumuntong-hininga ako para sa buwelo. “Nang makita niya na kinakain ko iyon, di ko ibinigay. Isinubo ko pa sa kanya yung natitira kasi ang kulit niya, ang damot-damot.”

“Jusko ka!”

“I know, okay? Kaya nga doon ko na lang rin na-realize. Hindi na namin nakontrol dalawa. And then…”

“And then?”

“Nasakop na yung bataan.”

Walang tigil akong pinaghahampas ni Jessica. “Jusko naman, Christine!”

“Kalma, okay?”

Tapos bigla siyang umayos at ngumiti sa akin. “Pero okay na rin. Sabi mo nga, nasa kanya naman na lahat. Ang kaso, obvious na m*****g yung lalaki na yon kasi may Maca chocolate siya. O baka naman babaero.”

“Masarap naman.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Masarap alin?”

“Yung chocolate kasi!”

“Talaga?”

“At ang laki.”

“Malaki alin?”

“Chocolate nga! Ano ba kasi ang nasa isip mo?”

Napakamot siya sa batok. “W-wala naman. Akala ko kasi…”

“Iyang utak mo, ha!” Hinampas ko siya ng unan.

Matapos ang paghaharutan namin, nagpahinga na ako. Aayain ko sana siyang lumibot muna para makapaglibang, pero may work din siya mamayang tanghali sa café at maaga rin siyang aalis. At tsaka mukhang wala pa ako sa huwisyo para mag-gala at gumawa ng kahit ano dahil ang sakit ng katawan ko.

Hindi ko alam kung dahil ito sa alak o dahil sa nangyari.

Bumalik na naman ang nangyari kanina. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Akalain mo ba naman na ang kukuha pala ng virginity ko ay isang big-time na gwapong tulad niya. Ang kaso lang, alam ko naman na hindi talaga niya iyon ginusto dahil kasalanan ko naman.

Sigurado rin ako na kapag nakita niya ako, magagalit siya.

Habang malalim ang iniisip ko, biglang may kumatok.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinagbuksan ko ito ng p***o. Bumungad sa akin ang isang lalaking naka-tuxedo na black at maayos ang porma.

“Sino po sila?”

“Dito ba nakatira si Ms. Christine Jade Gomez?” pormal na tanong nito.

“Ako ang hinahanap niyo. Ano po ba ang kailangan niyo?”

“Pinapasundo po kayo ni Mr. Montevierra.”

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Mr. Montevierra? Teka, ’yun bang may-ari ng Montevierra Group? The Montevierra?”

“Opo.”

“Bakit naman?”

Bakit naman kasi ako ipapatawag ng isang tulad ni Mr. Montivierra? Hindi kaya dahil hindi ako pumasok ngayon sa trabaho? Baka isinumbong na naman ako ng h*******k kong manager. Pinsan pa naman niya ‘yon.

“Hindi ko po alam. Basta’t ang bilin niya ay huwag kaming aalis nang hindi ka namin kasama.”

Napakamot na alamang ako sa ulo. Wala rin naman akong magagawa kundi ang sumama dahil siya ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

“S-sige, magbibihis lang ako.”

“HIndi na po. Kailangan na po nating bilisan dahil ayaw niyang pinaghihintay siya.”

“Ha? E ganito ang suot ko, oh.”

Hindi na sumagot ang lalaki.

Napa-bunton na lamang ako ng hininga. Pasalamat talaga siya boss ko siya, kung hinde baka pinagsaraduhan ko na itong bodyguard niya ng wala sa oras.

Madali akong sumakay ng sasakyan. Habang nasa daan, halos kumabog na ang dibdib ko dahil kinakabahan ako. Baka matanggalan ako ng trabaho.

Huminto kami sa isang building.

Napakunot ang noo ko at lalong dumoble ang bilis ng tibok ng dibdib ko dahil nandito ang penthouse ng lalaking iyon. Jusko, Lord! Huwag niyo naman po sana ipahintulot na magkasalubong ang landas naming dalawa.

“P-puwede bang hintayin ko na lang siya dito sa labas?”

Hindi umimik ang lalaki.

“Oo nga. Sabi ko nga papasok na ako.”

Sinundan ko lamang ang lalaki. Nakarating na kami sa pinakataas na floor ng building at lalong kumabog ang dibdib ko nang huminto kami sa tapat ng penthouse ng lalaking iyon.

“T-teka, hindi ka ba mali sa pinuntahan?”

"Pumasok na po kayo, Ms. Gomez.” Sa halip na sagutin ako, pinapasok lang niya ako. Habang siya ay naiwan lamang sa labas.

Kabisado ko naman ang daan papunta sa loob, kaya tumuloy na ako.

Nakita ko ang isang lalaki na abala sa paghahanda ng pagkain. Siguro ay siya si Mr. Montevierra. At yung kaninang lalaki ay pansamantala lamang na nagrenta dito.

“Mr. Montevierra?” Tinawag ko siya.

Lumingon ang lalaki.

Halos bumigay ang puso ko sa gulat nang makita kung sino ito. “Ikaw?!”

“Yup, it’s me.” Sabay ngiti nang nakakaloko.

Ang lalaking nakatabi ko ay ang boss ko?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 10

    Inaya ako ni Xian na pumunta sa kanila dahil baka magtaka ang mommy at lola niya kung bakit bigla na lamang akong naglaho kagabi.Nasa sasakyan pa lang kami. Kinakabahan na ako.“What if tawagan mo na lang tapos sabihin mo na magkasama tayo?”“Don’t you think medyo nakakabastos naman kung hindi natin sila bibigyan ng proper explanation tungkol sa kung anong nangyari sa’yo kagabi?”“Sabagay.”Pinagmasdan niya ako.“Teka, don’t tell me you’re nervous?”“M-medyo…oo. Nakakahiya kasi bigla na lang akong nawala kagabi.”“Hindi sila magagalit, don’t worry.”Hinawakan niya ang kamay ko na kanina pa nanlalamig sa kaba. Sobrang nahihiya talaga ako.Papalapit na kami ng papalapit. Hanggang sa makarating na kami. Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansion.May ilang tagasilbi na nakatayo sa labas. Sinalubong nila kami at binati.Pumasok kami.Gusto ko sana manatili na lang sa likuran ni Xian pero mapilit siya at hinahatak ako para sabay kami habang magka holding hands. Ang dami niyang arte. Para daw

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 9

    Nagising ako nang wala na si Xian sa tabi ko. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba ang sarili ko o siguro sa susunod na makita ko ulit siya, kamao ko nang kakausap sa kanya. Kahit ang totoo ay wala rin akong sapat na lakas para masaktan siya.Pinaghahampas ko ang mga unan sa sobrang inis. “Great, Christine—”Sisigaw na sana ako, pero naudlot nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok si Xian na may dalang pagkain.Ahhh, so hindi pala niya ako tinakasan kundi nagluto lang.“Good morning,” masaya niyang bati.“Same here.”“Ano’ng ginagawa mo sa unan?”“A-ah… pinapagpag ko lang. Maalikabok kasi, hehe.”“Oh, okay. Heto ang food mo. Kumain ka para naman manaba ka kahit papaano.”Biglang naningkit ang mga mata, “Insulto ba ‘yan?”Sa halip na sumagot, maingat niyang inilapag ang plato sa bedside table bago umupo sa tabi ko. Na para bang wala siyang narinig.“Talikod ka.”Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. “Ha? Bakit?”“Basta, tumalikod ka na lang kasi.”“O-okay. Pag talaga ‘yan, kaloko

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 8

    “Huwag mo na akong pag-aalalahin nang ganoon ulit.”Hindi ako nakapagsalita kaagad. Hindi ko maikilos ang katawan ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kabog ng sariling dibdib.Pero kahit na ganoon, pinilit kong bawiin ang sarili ko at nagawa ko pang pumiglas mula sa pagkakayakap niya.Hinarap ko siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero alam kong maling oras ito para kausapin siya.Sa halip, tinalikuran ko siya at nagdiretso na sa kwarto para kumuha ng pamunas. Bahagya pa akong natulala habang naghahanap ng towel.Totoo kaya na nag-aalala siya o nagpapanggap lang siya para makuha ang loob ko?Bumalik na ako para ibigay sa kanya ito.“Heto mag punas ka… muna…”Naabutan ko siyang nakahiga sa sofa at natutulog. Seryoso ba na pagod siya dahil hinanap niya ako? Parang hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ng isang taong tulad niya.Nilapitan ko siya at naupo sa lapag sa tapat ng sofa. Inihawi ko ang buhok na nakaharang sa buhok niya. Bumagsak na ang ilang hibla nito dahil basa s

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 7

    “What do you mean? May kapatid si Xian?”Nagtawanan silang dalawa.“You’re kuya’s fiancée pero hindi mo alam na may nakababata siyang kapatid?” Sabay tawa pa nang malakas.Nairita naman ako nang makisabay sa tawa si Jessica.Inikrus ko ang braso at tiningnan sila nang masama. “Nag-e-enjoy kayo pagtawanan pagiging bobo ko, ganon ba? Sige, mag-enjoy kayong dalawa. Bahala na kayo diyan.”Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Jessica. “Teka, Christine. Masyado ka naman seryoso. Nagbibiro lang naman kami.”“Seryoso ka ba, Jessica? Nagbibiro? Alam mo ba kung anong pakiramdam ang maghanap ng taong walang pakialam sa'yo tapos nagpapakasaya lang pala kasama ang kung sinong lalaki? Hindi, di ba?”Naramdaman nila pareho na seryoso na ako dahil sa tono ng pananalita ko, kaya tumigil sila pareho sa pagtawa.“Teka… hinahanap mo ako?”“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito sa labas sa dis-oras ng gabi, tumakas sa party na dapat ini-enjoy ko, nakalimutan ang kumain, at kontakin ka ng napakaraming be

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 6

    Kung ganoon, alam pala nilang lahat ito. At na-set up ako?!Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na magiging reaksiyon ko.So, I looked at Xian while trying to process everything. There’s a part of me na nag-e-expect na sana may biglang sumigaw ng ‘it’s a prank’. Pero mukhang seryoso ang lahat.Nagdoble pa ang kaba ko nang maghiyawan ang mga tao.“Say, yes!”“Yes, na ‘yan!”Parang biglang umiikot ang paningin ko, dahilan para mawalan ako ng balanse. Natumba ako pero mabuti na lamang ay nasalo agad ako ni Xian.Agad nagbukas ang mga ilaw na nakapatay kanina at dahan-dahan akong binuhat ni Xian papunta sa upuan.“Ikuha niyo siya ng tubig!” sigaw ng mommy niya.Agad na nanakbo ang isa sa kanila at inabot ang tubig kay Xian. Pinainom niya ako.“Ayos ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?”Hindi ako nagsalita. Sa halip ay tiningnan ko lang siya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha niya na parang seryoso ang pag-aalala.Lumapit sa akin ang mommy niya. “Iha, hindi

  • The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret   Chapter 5

    “Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica pagbukas niya ng p***o.“Andiyan ka na pala. Ano ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang bitbit na ipinamili bago dumiretso sa akin sa sofa. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko na parang nababaliw na. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” nag-aalala niyang tanong.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“Yung lalaking nakas*x ko kagabi, tangina, boss ko pala. Tapos gusto pa akong makita ng mga parents niya kasi nga ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Halata rin ang pagkabigla sa kanyang mukha. “What the fuck?!” Sabay nagtawa.Baliw ba ‘to?“Baliw ka ba? Nai-stress na nga ang tao, natutuwa ka pa diyan?”“Bro, you just fucked your boss. Tapos ipinakilala ka pa ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status