-Daisy-“So, pwede na ba nating ituloy ang seremonya?”Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang marinig ang boses ni Father Jacob sa mikropono. Masyado akong nadala sa mga nangyari kanina kaya nakalimutan kong nandoon pa pala kami sa gitna ng seremonya ng kasal namin ni River.Napatingin ako sa pari, saka sa mga bisitang nakamasid sa amin. Ang ilan ay nakangiti, habang ang iba naman ay halatang natutuwa sa kakatapos lamang na eksena. May mga nakahawak pa sa kanilang mga phone, malamang ay kinukunan ng video ang lahat ng nangyayari, at malamang na magiging viral ito mamaya hanggang kinabukasan o sa susunod na linggo pa.“Of course, Father!” masiglang sagot ni River habang maluwang ang pagkakangiti. “Sorry for the interruption, guys! Siyempre, kailangan ng kaunting commercial kapag may palabas, di ba? Nag-enjoy naman kayo, right?”“Yes!” sabay-sabay nilang sigaw, bago sila malakas na nagtawanan.May ilan pang malakas na pumalakpak, na para bang sinadya talaga ni River ang lahat para
Last Updated : 2026-10-13 Read more