-Vanessa-Kung tutuusin, ilang beses ko pa ngang tinanggihan ang mga binibili niya para sa akin dahil nahihiya akong gumastos siya nang ganoon kalaki. Pero mapilit talaga siya. Kapag may nagustuhan akong damit, hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon nabibili para sa akin.“Bro, she's my girlfriend now. Have some respect,” seryosong babala ni Blake sa kanya. “And also, yung lalaking iniligtas natin sa dagat, si Tatay Arthur. He's Vanessa's father,” dagdag pa ni Blake.Sandaling hindi nakaimik si Bryan nang marinig iyon. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, at sa unang pagkakataon ay hindi ko na makita ang dating pangungutya sa mga mata niya.Kasama siya ni Blake noong iligtas nila si Tatay. Kung tutuusin, nararapat lang na magpasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa aking ama.Kaya kahit hindi ko gusto ang pakikitungo niya sa akin, pinili kong isantabi muna iyon.“Salamat sa pagligtas sa tatay ko,” sabi
최신 업데이트 : 2026-11-02 더 보기