“Stop!” Bigla namang huminto ang sasakyan. Kunot-noong napalingon sa kanya ang driver. “Ma’am?” Pero sa halip na sumagot, bigla na lang bumaba ng sasakyan si Erzel at dire-diretsong pumasok sa convenience store. Sandali siyang nag-ikot hanggang sa mapunta siya sa harap ng refrigerator. Kusang lumapad ang ngiti niya nang makita ang mga bote at lata ng beer na nakahilera sa loob. “Ito, ito, at ito pa!” Sabay-sabay niyang inilagay ang mga iyon sa basket. “At ito rin!” Pagdating sa counter, isa-isa niyang inilapag ang mga pinili niya. “Miss, lahat ’to.” Namimilog ang mga mata ng cashier habang tinitingnan ang laman ng counter. Iba’t ibang klase ng beer at mga sitsirya ang inilapag ni Erzel doon. “Are you sure with this, Ma’am?” Tumango si Erzel. “Sure na sure.” “Ma’am, may pangbayad po ba kayo?” Kusang umawang ang labi ni Erzel sa tanong nito. Kung wala lang siyang dinaramdam ngayon, baka nasabunutan na niya ito. “Of course.” “Ipakita mo muna. Mahirap na. Baka mamaya pinagtitrip
آخر تحديث : 2026-08-20 اقرأ المزيد