“Sigurado ka bang hindi na talaga natin itutuloy ang collaboration with Agustin Corp?” Nag-aalalang tanong ni Alexander Corañez Jr., kaibigan at business partner ni Juan Miguel. “Yes, all collaboration with her.” Mas lalo pang kumunot ang noo nito. “Bago ’to, ah. Anong nagpabago sa isip mo?” Napangiti na lang siya, alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi niya sinasabi ang totoo. “Bakit nga?” ulit nito. “Hindi naman pwedeng pag gusto mo, gusto mo, pag ayaw mo, ayaw mo na. Sayang naman ’yung funds and plans na ilang months nating pinlano para sa collaboration na ’yon. Isa pa… ikaw naman itong nagpumilit na gawin natin ’yon, ’di ba?” Napabuntong-hininga siya. “I’m done with her. Alam ko… nagpakatanga ako noon… but something happened…” Napangiti siya nang sumagi sa isip niya ang mukha ni Erzel. “So, totoo ngang kinasal ka na?! Langya, hindi mo man lang kami inimbita ni Iris. Kumpare ba talaga kita?!” Nakasimangot na tanong nito. Marahan niya itong tinapik sa balikat. “Sorry,
Last Updated : 2026-10-05 Read more